7 drug suspects timbog sa buy bust sa Navotas
- Published on April 19, 2024
- by @peoplesbalita
UMABOT sa mahigit P.1 milyong halaga ng ilegal na droga ang nasamsam ng pulisya sa pitong hinihinalang drug personalities, kabilang ang dalawang lolo na malambat sa magkahiwalay na buy bust operation sa Navotas City.
Sa ulat ni Navotas police chief P/Col. Mario Cortes kay NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas, nagsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Capt. Genere Sanchez ng buy bust operation sa Santillan St., Brgy. San Jose, bandang alas-2:02 ng madaling araw.
Kaagad dinamba ng mga operatiba sina alyas “Bayag” at alyas “JR” matapos umanong magsabwatan na bintahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.
Ayon kay Capt. Sanchez, nakuha sa mga suspek ang nasa 5.4 gramo ng hinihinalang shabu na may katumbas na halagang P36,720.00 at buy bust money.
Nauna rito, natimbog namaman ng kabilang team ng SDEU ang dalawang tulak na lolo na sina alyas “Gani”, 62 ng Obando, Bulacan at alyas “Jojo’, 62 ng Brgy. Bangkulasi sa buy bust operation, alas-12:22 ng hating gabi sa Goldrock St., Brgy. San Roque.
Ani PSSg Ramir Ramirez, nakumpiska sa mga suspek ang humigi’t kumulang 5.6 grams ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P38,080.00 at buy bust money.
Dakong alas-2:33 ng madaling araw nang matiklo naman ng isa pang team ng SDEU sa buy bust operation sa Badeo 4 St., Brgy. San Roque sina alyas “Jessie”, 30, alyas“Jayson”, 43, at alyas “Andoy”, 38, pawang residente ng lungsod.
Nasamsam sa mga suspek ang nasa 4.5grams ng hinihinalang shabu na nagkakalahaga ng P30,600.00 at isang P500 bill na ginamit bilang buy bust money.
Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002. (Richard Mesa)
-
DINGDONG at MARIAN, muling mapapanood sa primetime sa pagbabalik ng ‘Endless Love’
MUKHANG inip na ang mga DongYan fans ng mag-asawang Kapuso Primetime King and Queen Dingdong Dantes at Marian Rivera, na mapanood silang magkasama sa isang serye. Kaya umani ng maraming likes ang post ng GMA Network na muling mapapanood sa GMA Telebabad ang Philippine adaptation ng hit Korean drama series na Endless Love […]
-
8,773 bagong COVID-19 cases naitala ng DOH, ika-2 ‘all time high’ this week
Nakapagtala ang Department of Health ng 8,773 bagong infection ng coronavirus disease ngayong Huwebes, kung kaya nasa 693,048 na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa. Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito: lahat ng kaso: 693,048 nagpapagaling […]
-
Outpatient Clinic ng Pandi District Hospital, bukas na
LUNGSOD NG MALOLOS – Mas mabilis nang makakakuha ng serbisyong medikal ang mga Pandieño makaraang opisyal ng buksan ang Outpatient Clinic ng Pandi District Hospital noong Lunes sa Brgy. Bunsuran 1st, Pandi. Samantala, sinabi rin ni Solante na base sa nakalap na datos sa “immunogenicity” ng ikalawang henerasyon ng COVID-19 vaccines na target […]