7 KATAO TIMBOG SA TUPADA
- Published on September 24, 2020
- by @peoplesbalita
PITONG mga sabungero ang arestado matapos maaktuhan ng mga pulis na nagsasagawa ng ilegal na tupada sa Malabon city, kamakalawa.
Kinilala ni Malabon police chief Col. Jessie Tamayao ang mga naaresto na si Ronel Pacite, 43, Rizaldy Mendez, 41, Rey Loyogoy, 31, George Aclaracion, 31, Ervin Gonzaga, 33, Lorenzo Ching, 42, at Pejel Cuenco, 47.
Sa imbestigasyon ni PSSg Jeric Tindugan at PCpl Michael Oben, dakong alas-11:30 ng umaga nang magsagawa ng anti-illegal gambling operation ang mga tauhan ng Station Intelligence Section at Sub-Station 5 sa pangungun ni PLT Ferdinand Espiritu at P/Capt. Carlos Cosme Jr. matapos ang natanggap na reklamo hinggil sa nagaganap na illegal na tupada sa Orchids St. Brgy. Longos.
Pagdating sa naturang lugar, naaktuhan ng mga pulis ang mga nagtu-tupada kaya’t agad silang nagpakilalang mga pulis bago inaresto ang mga suspek.
Nakumpiska ng mga pulis ang dalawang patay na panabong na manok na may tari pa at P2,800 bet money.
Sinampahan ng pulisya ng kasong paglabag sa PD 1602 amended by RA 9287 ang mga suspek sa Malabon City Presecutors Office. (Richard Mesa)
-
Pitong simpleng hakbang upang maprotektahan ang sarili at ang iba laban sa COVID-19
Ang coronavirus disease (COVID-19) ay isang nakahahawang sakit na dulot ng bagong coronavirus. Karamihan sa mga taong magkakaroon ng impeksyon ay makararanas ng hindi malalang sintomas at gagaling. Ngunit ang iba ay makararanas ng malubhang sakit, lalo na sa mga matatanda at mga may dati nang karamdaman. Narito ang ilang mga simpleng hakbang na maaari […]
-
LTO Chief ipinag-utos na paigtingin ang anti-overloading operations sa buong bansa
INATASAN ni Land Transportation Office (LTO) Chief, Assistant Secretary Vigor D. Mendoza II ang lahat ng enforcer ng ahensya na paigtingin ang operasyon laban sa overloading sa buong bansa. Personal na pinangunahan ni Assec Mendoza ang pagsasagawa ng operasyon sa Quezon City noong Miyerkules ng hapon, Setyembre 18, kung saan 45 sasakyan ang […]
-
Walang naiulat na Pinoy na apektado ng Hurricane Helene —PH Embassy
SINABI ng Philippine Embassy sa Washington na wala pa itong natatanggap na anumang ulat na may mga Filipino ang naapektuhan ng Hurricane Helene sa US southeast. Sa kasalukuyan, patuloy na naka-monitor ang Embahada sa situwasyon kasama ang Philippine Honorary Consulates sa Florida at Georgia. Nananatili naman itong handa na magbigay ng anumang kakailanganing […]