• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

7,000 slots, bukas para sa TNVS application – LTFRB

INANUNSIYO ng Land Transportation Franchising and Regulatory (LTFRB) na basa 6,869 slots pa ang bukas para sa aplikasyon para sa transport network vehicle service (TNVS).

 

 

Sa kasalukuyan kasi, nasa mahigit 1,000 pa lamang ang natatanggap na aplikasyon ng ahensiya mula ng magsimula ang aplikasyon noong Abril 30.

 

 

Kaugnay nito, nag-abiso ang LTFRB sa mga applicants na hindi nakakumpleto ng kaukulang dokumento na gumamit ng bagong email accounts sa kanilang online application process upang muling makonsidera ang kanilang aplikasyon para sa TNVS.

 

 

Una rito, base sa LTFRB Board Resolution No. 065 series of 2022, nasa 7,000 TNVS ang inilaan para sa Metro Manila, 200 sa Central luzon, 500 sa Bicol Region at 150 sa Western Visayas.

 

 

Sa ngayon, nasa 26,301 TNVS units ang nag-o-operate sa buong bansa kung saan karamihan na nasa 25,495 ay nag-o-operate sa Metro Manila.

 

 

Nagpaalala naman ang LTFRB sa panibagong fare system para sa TNVS.

 

 

Dapat na nasa P40 ang flagdown rate para sa isang Sedan-type at P15 ang pamasahe sa kada kilometro at P2 kada minuto.

 

 

Para naman sa premium AUV/SUV, ang flagdown rate ay nasa P50 at P18 ang kada kilometro at P2 kada minuto habang sa Hatchback o sub compact TNVS naman nasa P30 ang flagdown rate kung san P13 ang kada kilometro at P2 naman kapag kada minuto.

Other News
  • Dune: Part Two, Delayed Until 2024 due to the Ongoing Strikes in Hollywood

    THE return to Arrakis in Denis Villeneve’s ‘Dune: Part Two’ has been sadly pushed back until 2024 as a result of the ongoing dual Writers Guild of America and SAG-AFTRA strikes which are currently bringing Hollywood to its knees in the battle for equity across the board.   The film had been heavily rumoured to […]

  • Nadismaya nang husto sa mga rebelasyon: LIZA, pinayuhan ni BOY na sana ay palaging baunin ang pagpapasalamat

    NAGBIGAY nga ng pahayag ang kilalang talent manager at King of Talk na si Boy Abunda tungkol sa 14-minute controversial vlog ng aktres na si Liza Soberano na sumentro sa kanyang 13-year-old showbiz career na may titulong ‘This Is Me’.   Ayon sa host ng ‘Fast Talk With Boy Abunda’, nagsasalita siya bilang talent manager […]

  • Netizens, na-disappoint sa birthday greetings ni GERALD kay JULIA dahil ‘di man lang nag-effort

    SOBRANG disappointed ang netizens sa birthday greetings ni Gerald Anderson sa girlfriend na si Julia Barretto na pinost sa kayang IG account.     Simpleng ‘Happy birthday’ lang kasunod ang heart emoticon at hashstag na #youareablessing.     Na malayong-malayo sa birthday greetings ni Julia kay Gerald na may effort at maraming kinilig sa post […]