70M Filipinos, fully vaccinated bago matapos ang termino ni PDu30
- Published on June 20, 2022
- by @peoplesbalita
SA loob ng 15 buwan matapos ilunsad ang National Vaccination Program, nakamit ng Philippine government ang target nito na gawing fully vaccinated ang 70 milyong Filipino laban sa Covid-19.
Sa pinakabagong report ng National Vaccination Operations Center “as of June 17”, may kabuuang 70,005,247 indibidwal, o 77.78% ng target population ang nakakumpleto na ng kanilang primary series.
Sa nasabing bilang, 14,704,514 ang nag-avail ng first booster shot habang 648,555 naman ang nag-avail ng kanilang second booster dose.
Sa ngayon, tanging ang mga matatanda, medical frontliners, at immunocompromised adults (may cancer, human immunodeficiency virus/acquired immune deficiency syndrome, umiinom ng immunosuppressants, o organ transplant recipients) ang eligible para sa second dose.
Mula sa bilang na 153,013,072 doses na na-administer, 74,813,407 ang nakatanggap ng one dose.
Sa kabilang dako, sinabi ni National Task Force Against Covid-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez Jr., na ang milestone ay testamento sa commitment ng administrasyon na protektahan ang mas maraming Filipino mula sa nakamamatay na epekto ng Covid-19.
“As promised, we reached the target of 70 million fully vaccinated individuals. The NTF thanks our health care workers, volunteers, and everyone who made the vaccination program a success,” ayon kay Galvez.
“This is our parting gift to the next administration. We hope that our new leaders will also prioritize our vaccination program and continue to build an immunity wall among our people,” dagdag na pahayag nito.
Kumpiyansa naman si Galvez na ang high vaccination rate, kasama ang patuloy na pagsunod sa health protocols, ay maaaring makapigil ng panibagong surge ng infections.
“We have had many superspreader events in the past months, including the national elections, but we still managed to keep our new Covid-19 cases low because of our high vaccination rate,” ayon kay Galvez, habang binigyang diin ang patuloy na pagsusuot ng face masks, physical distancing, at madalas na paghuhugas ng kamay.
Samantala, ang pediatric vaccination ng gobyerno ay patuloy na nakakakuha ng momentum, na may 3,217,367 kabataan na may edad na 5 hanggang 11 ang fully vaccinated na.
Sa ilalim naman ng 12 hanggang 17 bracket, mayroon ng 9,487,745 ang nakatanggap ng kanilang full doses.
Muli namang nanawagan si Galvez sa publiko na kumuha na ng kanilang booster shots lalo pa’t kung sila’y eligible para palakasin ang proteksyon na ibinibigay ng primary doses, na humihina “over time.”
Ang mga frontline health care workers atsenior citizens ay maaari ng makuha ang kanilang second booster shot apat na buwan matapos ang kanilang first booster dose, habang ang immunocompromised adults ay kailangan na maghintay ng tatlong buwan matapos ang kanilang first booster shot. (Daris Jose)
-
Pagbibibigay-pugay sa mga co-stars, sinaluduhan ng netizens: DINGDONG, pinahanga nang husto ni DION sa pagiging mahusay na stand-in actor
TULAD ng pinangako ni Dingdong Dantes na gumaganap na kambal na mini–series na I Can See You: AlterNate, ipinakilala niya last Monday ang stand-in Kapuso actor na wala iba kundi si Dion Ignacio, na labis-labis niyang hinangaan. At para magawa nang mas maayos ang mga eksena nina “Nate” at “Miguel”, ang aktor nga […]
-
LTFRB: walang matrix, walang fare hike
KAILANGAN ng mga public utility vehicles (PUVs) ang kumuha muna ng fare matrix mula sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang sila ay makasingil ng mataas na pamasahe. Mula sa datos ng LTFRB noong Huwebes, may 30,183 na PUVs ang naghain ng kanilang applications para sa bagong fare matrix na […]
-
Pagdiriwang ng ika-22nd Cityhood Anniversary ng Malabon, pinangunahan ni Mayor Jeannie
PINANGUNAHAN ni Mayor Jeannie Sandoval ang pagdiriwang ng ika-22nd mula nang maging isang highly urbanized na lungsod ang Malabon sa pamamagitan ng mga programa, mga aktibidad at pagpaparangal para sa mga empleyado nito sa City Hall na naglingkod nang mahigit 10 hanggang 40 taon. Inorganisa ng mga opisyal ng Lungsod ng Malabon ang Gabi […]