738 iskul ipinagpaliban pagbubukas ng klase
- Published on July 29, 2024
- by @peoplesbalita
MAAANTALA ang pagbubukas ng klase ng 738 public schools sa apat na rehiyon sa bansa na itinakda sa Hulyo 29 (Lunes) bunsod ng mga pinsalang idinulot ng Habagat at bagyong Carina, ayon sa Department of Education (DepEd).
Inihayag na rin ni DepEd Secretary Sonny Angara na hindi niya pipilitin na magbukas ng klase ang mga nasalantang paaralan.
Sa kanyang post sa X nitong Biyernes, binanggit niya ang datos mula sa Second Congressional Commission on Education (EDCOM 2) na nagpapakita na ang mga mag-aaral ay na-miss ang tinatayang 53 araw ng pagtuturo mula sa 180-araw na school year noong nakaraang school year, dahil na rin sa weather-related events.
Sa datos mula sa disaster risk reduction and management service ng DepEd na ibinahagi noong Biyernes, nasa 246 paaralan ang binaha sa pananalasa ng bagyo at ng habagat, habang hindi bababa sa 64 na paaralan ang kasalukuyang ginagamit bilang mga evacuation center.
Nauna nang inihayag ni Angara na habang ang ilang mga paaralan ay kailangang ipagpaliban ang kanilang pagsisimula ng klase upang matapos ang paglilinis, hindi siya magdedeklara ng postponement ng mga klase upang payagan ang mga paaralan na may minimal hanggang zero na pinsala na magpatuloy gaya ng nakatakda.
Other News
-
Ads February 9, 2021
-
Ads July 9, 2022
-
Sa usaping tungkol sa sexual harassment: ANGELA, nag-iingat at dapat kayang protektahan ang sarili
MASAYA ang Vivamax actress na si Angela Morena na makatrabaho sa unang pagkakataon ang direktor na si Dado Lumibao para sa “Butas”. Say ni Angela, “Ang dami kong na-discover at natutunan. Isa yun sa ano, dahil writer siya, siya yung nagsulat nito, talagang very strict siya pagdating sa dayalog and everything. “E ako […]