75% ng global supply ng COVID-19 vaccines, nabili na ng 10 bansa- PDu30
- Published on February 26, 2021
- by @peoplesbalita
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na 75% ng global supply ng COVID-19 vaccines ang nabili na ng 10 bansa.
“Magkaintindihan na lang tayo na itong problema, atin lahat. How many countries? Ilan pa lang ang mayroon, again 75% nandiyan lang sa sampu, ang iba pati tayo wala,” ayon kay Pangulong Duterte sa kanyang public address, Miyerkules ng gabi.
“Canada nga na kapitbahay ng America, nagdadamutan pa sila. Kino-corner talaga ng America ngayon kasi they have… 332 million (people),” dagdag na pahayag nito.
Kaya nga ang payo ng Chief Executive sa publiko ay maghintay at sundin lamang ang mga tagubilin ng pamahalaan.
Sa ulat, mahigit 200 million coronavirus vaccine doses na ang na-administer sa 107 bansa at teritoryo ayon sa Agence France-Presse tally.
Tinatayang may 45% ng pagbabakuna ang ginawa na sa mga bansang nabibilang sa mayayamang “G7 club” gaya ng Estados Unidos, Canada, Britain, Germany, France, Italy at Japan.
Samantala, 92% ng doses sa buong mundo ay ibinigay naman sa mga bansang inuri o ibinukod ng World Bank bilang “high-income” o “upper-middle income”. (Daris Jose)
-
Jesus; Matthew 16:24
Take up your cross and follow me.
-
Matapos pumalit bilang bokalista ng ‘Lily’: JOSHUA, bina-bash at pilit kinukumpara kay KEAN
SI Joshua Bulot ang pumalit sa unang bokalista ng Lily, na dating Calla Lily, na si Kean Cipriano. Kaya kinumusta namin ang journey niya bilang miyembro ng naturang banda. “Actually sobrang natuwa ako kasi ano, ang bilis rin ng chemistry naming lahat,” wika ni Joshua, “kumbaga nagkaroon kami ng struggles pero […]
-
Mayor Tiangco sa DepEd: Ipasa na ang lahat ng estudyante
NANAWAGAN si Mayor Toby Tiangco sa Department of Education (DepEd) na kung maari automatic ng ipasa ang lahat ng mga estudyante ngayong school year kasunod ng ulat ng sunod-sunod na bagong kaso ng Corona virus disease (COVID19) sa bansa. “Ang Department of Health ay naglabas ng isang update na nagsasaad na mayroon na tayong […]