• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

$750M loan deal para sa COVID-19 response, nilagdaan ng Pilipinas at China-led AIIB

Lumagda sa isang kasunduan ang Pilipinas sa China-led Asian Infrastructure Bank (AIIB) para sa $750 million na loan para gamitin sa COVID-19 response ng pamahalaan.

 

Pinagtibay ng $750-million loan accord na ito ang commitment ng AIIB na maging katuwang ng Asian Development Bank (ADB) sa pag-finance sa COVID-19 Active Response and Expenditures Support (CARES) program ng Pilipinas.

 

Sa isang statement, sinabi ni Finance Sec. Calors Dominguez III na makakatulong ang inutang na pera mula sa AIIB para sa funding requirements na kinakailangan upang tugunan ang malalang epekto ng COVID-19 hindi lamang sa mamamayan ng bansa kundi maging sa ekonomiya rin.

 

“On behalf of the Philippine government, we thank the AIIB and President Jin Liqun for committing with the ADB to support the CARES program, which will go a long way in helping our people get back on their feet, and our economy recover and emerge stronger after the crisis,” ani Dominguez.

 

Umaasa ang DOH na nitong buwan ay makakamit ang full disbursement ng $750 million na utang mula AIIB.

 

Ang utang na ito ay may maturity periord na 12 taon at may grace period pa na tatlong taon.

 

Noong Mayo, mababatid na lumagda rin si Dominguez ng kasunduan sa ADB para naman sa $1.5 billion budgetary support para gamitin din ng pamahalaan sa CARES program. (Daris Jose)

Other News
  • 3 SOUTH KOREANS INARESTO NG BI

    INARESTO ng mga operatiba ng Bureau of Immigration (BI) ang tatlong South Koreans na nasa listahan ng wanted ng kagawaran at illegal na paninirahan sa bansa.       Sa report kay Immigration Commissioner Jaime Morente, ng BI’s fugitive search unit (FSU), kinilala ang tatlo na sina  Han Jeongcheol, 47, Yang Wonil, 48, at Cho […]

  • 3 patay sa sunog sa Caloocan

    TATLONG katao, kabilang ang isang tatlong taong gulang na batang babae ang nasawi matapos makulong sa nasusunog nilang bahay sa Caloocan City, Lunes ng madaling araw.   Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Beatris Oralio Alegria, 64, Vicente Junior Oralio Alegria, 65, at Althea Oralio, 3- anyos, pawang ng Kamagong St. Pangarap Village, Brgy. […]

  • Halos 2.5-M katao nanood sa mga group stages ng FIFA World Cup

    Nasa mahigit 2.45 milyon katao ang dumalo at nanood sa unang 48 na laro ng FIFA World Cup 2022 sa Qatar.     Ang nasabing bilang ay mas mataas noong 2018 World Cup na ginanap sa Russia para sa mga group stages.     Ayon sa FIFA na sa lahat ng mga laro sa group […]