75k trabaho sa mga Pinoy, nakaabang na sa ngayon- DOLE
- Published on August 10, 2023
- by @peoplesbalita
TINATAYANG nasa may 75,000 na mga potensiyal na trabaho ang naghihintay sa mga Filipino.
Bunga ito ng mga naging pagbiyahe ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa labas ng bansa.
Sinabi ni DOLE Secretary Bienvenido Laguesma sa press briefing sa Malakanyang na manggagaling ito sa sektor ng enerhiya kabilang na ang renewable energy.
Aniya, nagma-materialize na ang naging pakikipag- usap ng Pangulo sa mga pinuntahan nitong bansa.
Malaki aniya ang posibilidad na magbibit ito ng job generation sa mga manggagawang filipino.
Kabilang aniya rito ang mga bansang Germany, Singapore , Estados Unidos at The Netherlands na nagpahayag ng kanilang commitment para maglagak ng kanilang negosyo sa bansa.
Samantala, sa kasalukuyan, nakikipag -ugnayan na ang DOLE sa DTI at DOT ukol dito para matingnan din naman ang available manpower para sa naturang malaking job demand na naghihintay sa mga mamamayan. (Daris Jose)
-
Ads February 18, 2020
-
DOH: 95% ng monkeypox cases sa mundo dahil sa ‘sexual contact,’ pero hindi STD
TINATAYANG 95% sa kaso ng monkeypox viral disease sa buong mundo ang naipasa sa habang nagsasagawa ng sekswal na mga gawain, ayon sa Department of Health (DOH) ngayong Lunes. Pero nilinaw ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire na hindi sexually transmitted disease o STD ang naturang virus. “Hindi [s]iya classified as […]
-
Ads January 24, 2022