• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

8 bagong miyembro ng Marawi Compensation Board, bagong chairman ng Commission on Filipinos Overseas, nanumpa sa harap ni ES Bersamin

SA kabila ng kontrobersiyal na cash-for hire scam at para patunayan na lehitimo ang mga napipiling opisyal ng gobyerno ay pinangunahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin ang oath-taking ceremony ng mga bagong miyembro ng Marawi Compensation Board, ngayong araw ng Lunes, Enero 30.

 

 

Ang mga bagong appointees sa Marawi Compensation Board ay sina Dalomabi Lao Bula, Mustapha C.Dimaampao, Moslemen T. Macarambon Sr., Nasser Macapado Tabao, Mabandes Sumndad Diron Jr.,  Jamaica Lamping Dimaporo, Sittie Aliyyah Lomondot Adiong at Romaisa Lomantong Mamutuk.

 

 

Ang mga ito ay pawang mga naitalagang miyembro ng nasabing Board.

 

 

Makikita naman sa larawan na ibinahagi ng Presidential Communications Office (PCO) sa media  na kasama ng mga bagong miyembro ng Board si ES Bersamin at SEnador Robnhood Padilla.

 

 

Samantala, nauna namang nanumpa rin sa kanyang tungkulin sa harap ni ES Bersamin si Romulo Victoria Arugay bilang  chairman ng Commission on Filipinos Overseas.

 

 

Nanumpa si Arugay sa kanyang tungkulin noong Enero 24, 2023. (Daris Jose)

Other News
  • Pagtaas sa presyo ng langis, gawin ng “staggered basis”

    MULING nanawagan ang Department of Energy (DOE) sa mga local oil firms na maghanap ng paraan na magpapagaan sa sunud-sunod na pagtaas sa domestic pump prices na makagiginhawa sa epekto na tumama sa mga consumers.     Ayon kay DOE Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, hiniling ng departamento sa mga kimpanya ng […]

  • PWDs isasama na sa cash-for-work ng DSWD

    ISASAMA  na ng Department of Social Welfare and Development ang mga Persons with Disabilities (PWDs) sa Cash-For-Work program ng DSWD, ayon kay Secretary Erwin Tulfo.     “Simula po ngayon kayo ay kasama na diyan sa tinatawag na Cash-For-Work program ng DSWD sa inyo pong komunidad,” ani Tulfo sa ginanap na “BUHAYnihan” sa Pilillam, Rizal […]

  • Pagpapasara sa POGOs maraming sektor ang maaapektuhan

    NAGBABALA si Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) chairman at Chief Executive Officer (CEO) Alejandro Tengco na maraming sektor ang maaapektuhan sa pagsasara ng Philippine Offshore Gaming Operations (POGOs).     Inihayag ni Tengco na hindi basta-basta ang pinagdadaanan ngayon ng mundo kabilang ang Pilipinas na nakakaranas ng krisis dahil sa digmaan ng Ukraine at […]