• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

8 biktima ng Human Trafficking sa Israel, ni -rescue

SA kabila ng nagaganap na krisis sa Israel, na-rescue ng mga ahente ng Bureau of Immigration (BI)  ang walong biktima ng human trafficking n ani-recruit upang magtrabaho sa nasabing bansa.
Ayon sa  Bureau of Immigrations (BI) immigration protection and border enforcement section (I-PROBES) ang babaeng trafficker kasama ang mga biktima ay tinangkang sumakay ng Emirates airlines flight sa  Clark International Airport (CIA) Terminal 2 na nagpanggap na kasama sa pilgrimage sa nasabing bansa.
Pero sa bandang huli ay inamin ng mga biktima na nagtatrabaho sila bilang mga hospital at hotel cleaners sa pagdating nila sa Israel na may buwanang sweldo na P60,000  hanggang P80,000.
  Matatandaan na noong nakaraang taon, inilagay ang Israel sa ilalim ng Alert 2 kung saan tanging ang mga overseas Filipino workers (OFWs) na may kasalukuyang kontrata ang tanging pinapayagang bumalik sa kanilang destinasyon  upang maka-pagtrabaho.
  “All for money, this recruiter has made her victims agree to such circumstances despite the major life risk,” ayon kay Tansingco.  “She should face what she did in court and must be jailed to serve as an example not to prey on the vulnerabilities of our fellow Filipinos,” dagdag pa nito.
Ang siyam na pasahero ay itu-turn over sa inter-agency council against trafficking (IACAT) kung saan ang walong biktima ay sasailalim sa assistance habang ang trafficker ay sasampahan ng kaso. GENE ADSUARA
Other News
  • WILLIE, nagpahiwatig sa post na posibleng iiwanan na ang daily show; ipagpatuloy sana ng GMA

    TIYAK na ikalulungkot ng mga fans ni Willie Revillame at mga tagasubaybay ng daily program na Wowowin, kung iiwanan na niya ang show, tulad nang ipinahiwatig niya sa kanyang post.      Sa ngayon ay hindi pa malinaw ang sinabi niya na may matindi siyang pinag-iisipang desisyon, pero sana raw ay ipagpatuloy ng GMA Network […]

  • ‘Bayaran niyo ang pinsala dahil sa climate change’

    TINULIGSA ni Presidente Rodrigo Duterte ang mayayamang mga bansa na siyang dapat magbayad sa mga dinaranas ng developing nations tulad ng Pilipinas sa epekto ng climate change.     Ginawa ng pangulo ang pahayag sa kanyang lingguhang Talk to the People at matapos ang pagbisita niya sa mga lugar na tinamaan ng bagyong Agaton.   […]

  • CARMINA at ZOREN, nagkaiyakan sa pag-send off nila kay MAVY na sasabak sa first lock-in taping

    NAGKAIYAKAN ang pamilya nila Carmina Villarroel at Zoren Legaspi dahil sa pag-send off nila kay Mavy Legaspi sa unang lock-in taping nito.     Kasama si Mavy sa teleserye na I Left My Heart In Sorsogon kunsaan bida sina Heart Evangelista at Richard Yap.     Nag-share ng video si Mina on instagram na nagyayakapan […]