• October 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘8 billionth baby’, isinilang sa Maynila

ISINILANG noong Novikinokonsiderang “symbolic 8 billionth person in the world” sa Dr. Jose  15, Martes ang isang sanggol na babae na Fabella Memorial Hospital sa Sta. Cruz, Maynila ala-1:29 ng madaling araw nitong Martes.

 

 

Ang sanggol na iniluwal sa pamamagitan ng normal delivery ng 26-anyos na si Maria Margarita ng Tondo, Maynila ay pinangalanang Venice.

 

 

Ayon sa ina ng bata, anim na araw na siyang nagle-labor kaya para masiguro na ligtas siya at ang bata, dinala na siya sa ospital.

 

 

Labis ang kasiyahan ni Margarita na ang kanyang anak ang symbolic baby ng Pilipinas para sa 8 billionth baby of the world. Pero wala umano siyang ibang hiling kundi maging malusog ang kanyang ika-apat na anak.

 

 

Para kay Dr. Romeo Bituin, hepe ng medical professional staff ng ospital, mahalagang malaman ang kabuuang populasyon ng mundo para sa pagpa-plano ng mga bansa lalo na sa kalusugan ng bata simula ng nasa sinapupunan pa lamang ito.

 

 

Base sa tala ng Population Commission, nasa 110.5 million na ang populasyon ng Pilipinas sa kalagitnaan ng 2022.

 

 

Nauna nang tinantiya ng United Nations na ang populasyon ng tao sa daigdig ay aabot sa 8 billion sa kalagitnaan ng November 2022.

 

 

Umaasa ang komisyon na ang symbolic baby ng bansa na si Venice ang magiging simbolo ng pagbabago sa darating na panahon.

 

 

Tatanggap ng gift pack mula sa POPCOM si baby Venice habang magiging libre ang konsultasyon ng bata at kaniyang ina.

 

 

Nabatid rin na sa naturang pagamutan ipinanganak noong 2014 ang 100 millionth baby sa mundo, dahilan para mabigyan ang sanggol ng scholarship sa school of midwifery ng ospital at mabigyan din ng trabaho ang kanyang ama.

Other News
  • Taga-showbiz na kakandidato, ‘di dapat matamatahin: Sen. BONG, pinayuhan ang mga bagong sasabak sa pulitika na isapuso ang paglilingkod

    OBSERBASYON sa nakausap namin na isang kilalang showbiz insider na higit na mas marami raw ngayon ang taga-showbiz ang nagnanais pasukin ang pulitika para makapaglingkod.   Pinangunahan ni Star for All Seasons Vilma Santos-Recto na naging ehemplo ng mga taga-showbis pagdating sa public servant, ang naghain ng kanyang COC.   Tatakbong gobernador muli ng Batangas […]

  • Metro Manila nagpa-flat trend na sa COVID-19 – OCTA

    Nakapagtala na ng ‘flat trending’ ang Metro Manila, Davao at Bacolod City makaraan ang mataas na bilang ng kaso sa mga nakalipas na linggo, ayon sa indepen­dent na OCTA Research Group.     Base sa COVID Act Now metrics, naitala ang ‘reproduction rate’ ng ­Metro Manila sa 0.91 buhat sa 0.90 mula pa noong Abril […]

  • Finance Chief Recto kumpiyansang makamit ng PH ‘A’ credit rating sa 2028

    KUMPIYANSA si Finance Secretary Ralph Recto na makakamit ng Pilipinas ang “A” credit rating sa taong 2028.     Ito ay dahil sa patuloy na namantine ng Pilipinas ang malakas na investment outlook sa kabila ng pabago-bagong global economic environment.     Binigyang-diin ng finance chief na conscious ang gobyerno sa mga programa nito at […]