8 mataas na opisyal ng PNP ipinuwesto
- Published on September 30, 2024
- by @peoplesbalita
WALONG matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang may bagong puwesto kabilang si Quezon City Police District (QCPD) Director Brig. Gen. Redrico Maranan.
Ayon kay PNP chief Gen. Rommel Francisco Marbil papalit si Maranan kay PBGen. Jose Hidalgo Jr., bilang Police Regional Office-Central Luzon o Region 3. Magreretiro si Hildalgo sa Martes, Oktubre 1.
Miyembro si Maranan ng Philippine National Police Academy Class 1995 at dating PNP information chief.
Magsisilbi naman acting QCPD director si PCol. Melecio Buslig, Jr.
Itinalaga nama si Maj. Gen. Ronald Lee bilang director ng National Police Training Institute; Brig. Gen. Bernard Yang bilang director ng Southern Police District at Brig. Gen.
Victor Arevalo sa PNP Training Service.
Bukod dito, si Brig. Gen. Radel Ramos ay ipinuwesto bilang hepe ng Headquarters Support Service; Brig. Gen. Jose Manalad, Jr. sa Center for Police Strategy Management; at Col. Ma. Sheila Portento bilang bagong Dean of Academics ng PNP Academy.
Sinabi ni Marbil na magsasagawa pa rin ng balasahan sa susunod na linggo dahil sa pagreretiro ng mga senior officers.
Dagdag pa ni Marbil, kailangan na mapunan ang mga mababakanteng puwesto dahil na rin sa pagsisimula ng filing ng candidacy. (Daris Jose)
-
Ads June 28, 2021
-
Dreamworks Animation’s ‘The Bad Guys’ Brings Best-Selling Children’s Book Series to Life
NEVER have there been five friends as infamous as The Bad Guys—dashing pickpocket Mr. Wolf (Academy Award® winner Sam Rockwell, Three Billboards Outside Ebbing, Missouri), seen-it-all safecracker Mr. Snake (Marc Maron, GLOW), chill master-of-disguise Mr. Shark (Craig Robinson, Hot Tub Time Machine franchise), short-fused “muscle” Mr. Piranha (Anthony Ramos, In the Heights) and sharp-tongued expert hacker […]
-
Mga padala mahigpit na dini-disinfect sa China bilang pag-iwas sa COVID-19
MAHIGPIT na inatasan ng postal service sa China ang kanilang empleyado na magsagawa ng pag-disinfect sa lahat ng mga international deliveries. Malaki kasi ang hinala nila na ang mga padala mula sa ibang bansa ang siyang nagdulot ng coronavirus outbreak. Bilang paniguro ay naghigpit ang postal service ng China sa nasabing […]