8 sangkot sa droga nadamba sa buy-bust
- Published on October 5, 2020
- by @peoplesbalita
WALONG hinihinalang drug personalities ang arestado sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng mga pulis na nagresulta din sa pagkakabuwag sa isang hinihinalang drug den sa Valenzuela city.
Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega ang naarestong mga suspek na Sammy Iglisias, Ronelio Enriquez, Imelda Mallari, Gilbert Francisco, Ronnie Cabuso, Josephine Mallari, at Divine Mallari.
Ayon kay Col. Ortega, isinagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy-bust operation sa pangunguna ni P/Msgt Roberto Santillan sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Ronald Sanchez sa 308 Dulong Tangke St. Brgy. Malinta na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek kung saan naaktuhan ang ilan sa mga ito na sumisinghot ng shabu.
Narekober ng mga operatiba sa mga suspek ang P500 buy-bust money, P340 bill at limang plastic sachets ng hindi pa mabatid na halaga ng hinihinalang shabu, dalawang cellphone at ilang drug paraphenalias.
Samantala, balik kulungan si Ralph Raniel Laquindanum, 23 matapos maaresto din ng kabilang team ng SDEU sa pangunguna ni PEMS Noel Barnedo sa buy-bust operation sa 1 st St. Brgy, Marulas, Valenzuela city.
Nakuha sa kanya ang 3 plastic sachets ng hinihinalang shabu, P500 buy-bust money, P200 cash at cellphone. (Richard Mesa)
-
Kaabang-abang ang kanilang pagsasanib-puwersa: ARJO, makakasama sina JOHN at JUDY ANN sa spin-off ng ‘Bagman’
NAKATAKDANG i-launch ng ABS-CBN ang tentpole co-production ng ‘The Bagman’ sa Asia TV Forum & Market (ATF) sa Singapore, kasama ang bida ng serye na si Cong. Arjo Atayde, na dadalo rin sa naturang event. Sisimulan ang produksyon nito sa Enero 2024, ang eight-part action drama series na kung muling gagampan Arjo ang karakter […]
-
Personal trip’ ng chief of staff ng OVP, aprubado ni VP Sara
APRUBADO ni Vice President Sara Duterte ang ‘personal trip’ ng kanyang chief of staff na si Undersecretary Zuleika Lopez at pagbabalik sa kalagitnaan ng Nobyembre. Ayon sa Office of the Vice President (OVP), ang pagbyahe ni Lopez sa ibang bansa ay mula November 4 hanggang 16, 2024. “The OVP Chief of […]
-
John Amores ng JRU ay nahaharap sa indefinite suspension pagkatapos ng NCAA rampage
Si John Amores ng Jose Rizal University (JRU) ay sinampal ng indefinite suspension ng NCAA. Ibinaba ng NCAA Management Committee ang mabigat na parusa noong Miyerkules matapos ang maingat na pag-uusap ng mga opisyal ng liga. Sinalakay ni Amores ang bench ng College St. Benilde sa huling quarter ng kanilang laro noong Martes […]