8 sangkot sa droga nadamba sa buy-bust
- Published on October 5, 2020
- by @peoplesbalita
WALONG hinihinalang drug personalities ang arestado sa isinagawang magkahiwalay na buy-bust operation ng mga pulis na nagresulta din sa pagkakabuwag sa isang hinihinalang drug den sa Valenzuela city.
Kinilala ni Valenzuela police chief Col. Fernando Ortega ang naarestong mga suspek na Sammy Iglisias, Ronelio Enriquez, Imelda Mallari, Gilbert Francisco, Ronnie Cabuso, Josephine Mallari, at Divine Mallari.
Ayon kay Col. Ortega, isinagawa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy-bust operation sa pangunguna ni P/Msgt Roberto Santillan sa ilalim ng pangangasiwa ni PLT Ronald Sanchez sa 308 Dulong Tangke St. Brgy. Malinta na nagresulta sa pagkakaaresto sa mga suspek kung saan naaktuhan ang ilan sa mga ito na sumisinghot ng shabu.
Narekober ng mga operatiba sa mga suspek ang P500 buy-bust money, P340 bill at limang plastic sachets ng hindi pa mabatid na halaga ng hinihinalang shabu, dalawang cellphone at ilang drug paraphenalias.
Samantala, balik kulungan si Ralph Raniel Laquindanum, 23 matapos maaresto din ng kabilang team ng SDEU sa pangunguna ni PEMS Noel Barnedo sa buy-bust operation sa 1 st St. Brgy, Marulas, Valenzuela city.
Nakuha sa kanya ang 3 plastic sachets ng hinihinalang shabu, P500 buy-bust money, P200 cash at cellphone. (Richard Mesa)
-
28 jeepney routes muling binuksan
MAY mahigit na 1,100 public utility jeepney (PUJs) ang babalik sa kalsada upang pumasada at magkaron ng operasyon ngayon panahon ng pandemya ng mabigyan ng pagkakataon ang mga pasahero ng mas madaming masasakyan. Sa ilalim ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Memorandum Circular 20-046, may kabuohang 1,159 na traditional jeepneys na may […]
-
PNP sinabing ‘essential food’ ang lugaw
Nanindigan ang Philippine National Police (PNP) na ‘essential food’ ang lugaw kaya papayagan makalusot ang mga nagdi-deliver ng nasabing pagkain. Ayon kay PNP Spokesperson BGen. Ildibrandi Usana anumang uri ng pagkain na legitimate inorder sa panahon ng ECQ dito sa NCR Plus Bubble ay kinukunsiderang essential goods. Ito ay taliwas sa […]
-
Ads October 25, 2021