• June 13, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

80% ng bansa, maaaring isailalim na sa MGCQ sa July 16

Inilahad ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na posibleng mas maraming lugar na ang isasailalim sa modified general community quarantine (MGCQ) sa darating na July 16.

 

Sa panayam, iginiit ni Lorenzana na dedepende sa datos ng coronavirus disease o COVID-19 ang quarantine measures sa bansa na magmumula sa Department of Health (DOH).

 

“Sabi nga ng DOH, depende pa sa mga analytics na lalabas pero more likely siguro mga 80%, mag-MGCQ na tayo sa July 16,” giit ni Lorenzana.

 

“Dahil nga lumuluwag na ‘yung ating quarantine atsaka gusto na nating buksan ‘yung ating ekonomiya, maraming pagbabago, mas marami ng tao ang makakalabas, pati mga simbahan magbubukas na rin, magdadagdag na rin ng transportasyon ‘yung DOTr so malaking pagbabago,” dagdag pa nito.

 

Lahad pa ni Lorenzana, ang second phase ng national action plan laban sa COVID-19 ay inaayos na at ipepresinta sa IATF.

 

“Nagawa naman natin ‘yung ating objective habang pinipigilan natin ‘yung pagtaas ng infections ay inaayos naman natin ‘yung ating capabilities,” paliwanag pa ni Lorenzana.

 

“So ngayon, medyo nag-plateau na except ‘yung Cebu [City]… Ang ating objective diyan mag-plateau lang, hindi na magdadagdag every day or ‘yung case doubling.”

Other News
  • Wizards player nagpositibo rin sa COVID

    Isa pang player ng Washington Wizards ang nagpositibo rin sa COVID-19.   Ito ang kinumpirma ng koponan sa harap na rin ng pagsisimula sana ng pre-season workouts ngayong araw.   Aminado si Wizards coach Scott Brooks na na-delay tuloy ang pagsisimula nila ng individual player workouts.   Sa sunod na Biyernes kasi ang simula naman […]

  • DILG, ipinagtanggol ang PNP, kinastigo ang mga kritiko sa pag-aresto kay Dr. Naty Castro

    GINAGAWA lang ng mga police officers na umaresto sa health worker na si Dr. Natividad Castro ang kanilang trabaho gaya ng ginagawang imbestigasyon ng Commission on Human Rights (CHR) sa posibleng paglabag sa police procedure.     Sa kalatas, tinukoy ni DILG Secretary Eduardo Año na ginagawa lamang ng mga Philippine National Police (PNP) officers […]

  • Highly-Anticipated Films to Watch This Second Half of 2021

          BECAUSE of the COVID-19 pandemic, 2020 has been a tough year for the film industry, especially with all the film releases getting postponed to a later date.    Here’s a rundown of some of the highly-anticipated films we’re all looking forward to catching in cinemas this second half of 2021!   Check […]