• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

800 pamilya nasunugan sa Maynila, inayudahan

UMAABOT sa 800 pamilya na nabiktima ng sunog kamakailan ang tumanggap ng tulong pinansiyal mula sa Manila City Government.

 

 

Mismong si Manila Mayor Honey Lacuna ang nanguna sa pamamahagi ng tig-P10,000 cash aid, kasama si Re Fugoso, na siyang pinuno ng Manila Department of Social Welfare (MDSW).

 

 

Ayon kay Lacuna, bagamat hindi kalakihan ang naipagkaloob na tulong pinansiyal ng lokal na pamahalaan, ay umaasa aniya siyang makakatulong ito sa mga fire victims upang makapagsimulang muli.

 

 

Sa nasabing okas­yon, nagpaabot din si Lacuna ng pag-aalala para sa mga residenteng nasugatan dahil sa sunog. Muling nagpaalala ang alkalde sa mga residente na sa panahon ng sunog, dapat na prayoridad ang buhay at kaligtasan ng bawat miyembro ng pamilya.

 

 

Ipinaalala rin ng ­alkalde sa mga residente na dahil tumitindi ang init ng panahon ay mas malaki ang panganib na magkaroon ng sunog.

 

 

Matatandaang tatlong insidente ng sunog ang sumiklab sa Maynila nitong nakalipas na linggo, kabilang na ang mataong lugar ng Parola at Isla Puting Bato.

Other News
  • Bongbong admin ‘posibleng’ makipagtulungan kay Robredo

    KUNG si Sen. Imee Marcos ang tatanungin, pwedeng makipagtulungan ang kapatid niyang si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa karibal at nakalabang si Bise Presidente Leni Robredo — aniya, “walang imposible.”     Kilalang kritiko ng Martial Law at dikdatura ni dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. — ama nina Bongbong at Imee — si Robredo, […]

  • Sinner pasok na sa finals ng US Open

    Pasok na sa finals ng US Open si Jannik Sinner matapos talunin si Jack Draper.     Naging matindi ang labanan ng dalawa kung saan nakuha ng top-ranked tennis star na si Sinner ang score na 7-5, 7-6 (3), 6-2 .     Ang 23-anyos na Italian tennis star ay hindi na pinatawan ng parusa […]

  • Fajardo, 2 iba pang higante ‘tambay’ muna

    LIBAN ang tatlong higante sa 45th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup 2020, pero tiyak na hindi maglalaho ang kasabikan sa pagbukas nito sa Marso 8 sa Smart Araneta Coliseum sa Quezon City.   Sila ay sina five-time Most Valuable Player June Mar Fajardo ng San Miguel Beer, Gregory William Slaughter ng Barangay Ginebra San […]