• May 17, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

84% ng eligible population sa NCR, fully vaccinated na sa susunod na buwan

TINATAYANG 84% ng eligible population sa National Capital Region (NCR) ang inaasahan na magiging fully vaccinated laban sa Covid-19 sa buwan ng Nobyembre.

 

Sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benjamin “Benhur” Abalos Jr., 75.57% ng eligible population sa NCR ang fully vaccinated at inaasahan na aabot ng 84% sa susunod na buwan.

 

Sa Disyembre naman aniya ay 92% ng populasyon sa NCR ang inaasahan na magiging fully vaccinated.

 

“In one month, ang projections po namin, aabot siguro tayo ng mga 84 percent, dahil ‘yung mga naka-first dose ay magsi-second dose at ‘yung mga AstraZeneca naman magpapabakuna po ‘yan by December 2, ito po ay aabot ng 92 percent,” ayon kay Abalos.

 

Aniya pa, ang active Covid-19 cases sa NCR ay nag- “plateaued” sa 25,000 kaso kung saan bumaba sa nagdaang rurok na 40,000 active cases.

 

“As of Saturday, ” ang Covid-19 reproduction rate sa Kalakhang Maynila ay 0.83, bumaba mula sa 1.9% na naitala noong Agosto 14.

 

“Maski may konting  aberrations, what is important, look at the trend — it is all going down,” ani Abalos.

 

Upang patuloy ang downtrend sa Covid-19 cases sa rehiyon, sinabi ni Abalos na ang Metro Manila Council na kinabibilangan ng 17 NCR mayors — ay nagpatupad ng lockdowns kung saan ay sakop ang 2,774 pamilya sa 397 households, 88 condominium units, 9 na gusali at 25 compounds.

 

“Ibig sabihin talagang maliliit na lang para ‘yung mga healthy population makapagtrabaho at gumana ang ating ekonomiya ,” aniya pa rin. (Daris Jose)

Other News
  • Deadma pa rin sa isyu sa lovelife: SUNSHINE, hinangaan sa pagrampa na naka-two piece sa fashion show

    İSA si Donita Rose nagtataglay ng magandang mukha sa mga member ng programang “That’s Entertainment” noon ng namayapang German Moreno.   Pero ayon pa sa aktres at TV host ay hindi man lang sumagı sa isip ng TV host-actress na maganda siya nung mga panahon na yun.   Basta ang nasa ısıpan niya ay naramdaman niyang […]

  • Big advantage na anak ng sikat na singer: RACHEL, ‘di ma-describe ang feeling at saya ‘pag nakakasama si HAJJI

    FOR sure ay isa ka sa mga kinilig noong 90’s sa dance group na Streetboys, my dear editor Rohn Romulo.   Kaya tiyak na isa ka sa happy na may dance concert sila na mistulang reunion na rin nila, ang The Sign 90’s Supershow: A Benefit Concert.   Nag-throwback nga ang isa sa mga members nila, […]

  • Encanto’s First Trailer Promises A Magical, Musical Disney Adventure

    DISNEY released the teaser trailer for their upcoming animated musical film, Encanto.     The film from Walt Disney Animation Studios, is full of magic. The movie is set in a colorful and magical hidden village in the mountains of Colombia, and it focuses on the Madrigal family.     The Madrigals, however, are not your […]