86% ng mga COVID-19 vaccines, naipamahagi na sa mga vaccination sites – DOH
- Published on April 30, 2021
- by @peoplesbalita
Kinumpirma ng Department of Health na 3,025,600 mula sa 3,525,600 available doses ng coronavirus disease vaccines ang naipamahagi na sa iba’t ibang vaccination sites.
Batay sa datos ng DOH at National Task Force Against COVID-19, may kabuuang 1,809,801 doses na ang naipamigay sa publiko.
“Eighty-eight percent of the 1,780,400 allocated first doses have already been administered, equating to 1,562,815 administered doses,” ayon sa vaccine rollout update na inilabas kahapon, Abril 28.
14 posyento naman ng 1,780,400 na alokasyon para sa second doses ang naipamahagi na, katumbas ito ng 246,986 na naiturok sa mamayan.
Malaking bilang ng mga bakuna ay natanggap ng National Capital Region (NCR) na mayroong 1,221,870, na sinundan naman ng Calabarzon (307,260) at Central Luzon (245,140).
Sa ngayon ay nagpapatuloy pa ang pagbabakuna ng gobyerno para sa mga priority groups na kabilang sa A1 hanggang A3 na binubuo ng mga healthcare workers, senior citizens, at persons with comorbidities.
Patuloy din ang panghihikayat ng DH at NTF na magparehistro sa kanilang lokal na pamahalaan para magpabakuna upang maprotektahan laban sa nakamamatay na virus.
Mahigit 3,400 vaccination sites ang nagsasagawa ng COVID-19 vaccination sa iba’t ibang sites mula sa 17 rehisyon.
-
Jovita Espenida-Meneses, natatanging Alagad ng Sining sa Sayaw
LUNGSOD NG MALOLOS- Bilang pagbibigay-pugay sa isang mahusay na mananayaw at guro na ginugol ang kanyang buhay sa pagpapayaman ng sining ng sayaw sa mga estudyanteng Bulakenyo, binigyang parangal ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office si Jovita Espenida-Meneses, isang Natatanging Alagad ng Sining sa Sayaw sa […]
-
Ex-PNP Chief Eleazar, nakapaghain na ng CoC sa pagka-senador
Nakapaghain na ng kanyang certificate of candidacy (CoC) si dating PNP Chief Guillermo Eleazar para sa pagka-senador. Pero una rito, naghain muna ng wtihdrawal sa pagtakbo bilang senador si Reporma senatorial aspirant Paolo Capino. Kasunod nito ay pumasok na si Eleazar sa area kung saan tinatanggap ang mga dokumento para sa […]
-
Ads October 26, 2021