• June 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

86% Pinoy stress dahil sa pandemya – SWS

NAKAPAGTALA ng 86 porsyentong Filipino ang nakakararanas ng pagkastress dahil sa pandemya ayon sa Social Weather Stations (SWS).

 

Napag-alamang 58 porsyento ng mga Filipino na may edad na 18 taong gulang pataas ang nakararanas ng lubhang pagkastress; 27 porsyento naman nakaranas ng pagkastress habang 15 porsyento lamang ang nakaranas ng konti o walang pagkabahala.

 

Sa naitala 58 porsyento dito ay mga lalaki habang 57 porsyento ay mga babae.

 

Pinakamataas na porsyento ng lubhang stress ay mula sa Visayas na may 64% na sinundan ng Luzon na 58%; Mindanao na may 55%; at 53% sa Metro Manila.

 

Sa mga sumagot sa survey na lubhang stress, 61% rito ay junior high school graduate; 59% ay mula sa hindi nakapagtapos ng elementarya; 57% ay nasa high school; 56% ang nasa kolehiyo; at 55% ang nakagradweyt ng kolehiyo.

 

Isinagawa ang survey sa pamamagitan ng mobile phone at computer-assisted telephone interview sa 1,249 na Filipino.

 

Ito ay may sampling error margin na ±3% para sa national percentages, ±6% sa Metro Manila, ±5% sa Balance Luzon, ±6% sa Visayas, at ±6% para sa Mindanao.

Other News
  • MARITIME SECTOR, TUTULONG SA 12 FILIPINO CREW NA NAGPOSITIBO SA COVID 19

    HANDANG tumulong ang maritime sector  ng Department of Transportation (DOTr),na binubuo ng Maritime Industry Authority (MARINA), Philippine Ports Authority (PPA), at Philippine Coast Guard (PCG),kasama ang mga miyembro ng ahensya ng One-Stop Shop (OSS)Port of Manila  sa lahat ng mga tripulanteng Pilipino na nagpostibo sa COVID-19 sakay ng container ship mula India.      Sa […]

  • Utos ni PBBM sa DND, sugpuin ang ‘criminal activities’ sa Negros Island

    IPINAG-UTOS ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa  Department of National Defense (DND) na sugpuin ang  “criminal activities at impunity” sa buong  Negros Island.     Sinabi ni Defense Secretary Carlito Galvez Jr.  na ipinalabas ng Pangulo ang nasabing kautusan kasabay ng atas sa kanya na bigyan ng katarungan ang pamilya ni Negros Oriental Governor […]

  • Pilot implementation sa fare collection system, tatagal ng 9 hanggang 12 buwan – DOTR

    INIHAYAG ni Department of Transportation (DOTr) Undersecretary Timothy John Batan na tatakbo sa loob ng siyam hanggang labing dalawang buwan ang pilot operation ng automated fare collection system.     Sinabi ni Batan na kung magiging matagumpay ang pilot implementation, tatanggap ang system ng mas maraming payment card bukod sa Land Bank of the Philippines […]