Cabinet members ni Pangulong Duterte, handang makasama sa priority list ng COVID vax kung nanaisin ng president
- Published on February 6, 2021
- by @peoplesbalita
Nakahanda umano ang mga miyembro ng gabinete ni Pangulong Rodrigo Duterte na makasama sa priority list ng COVID-19 vaccination kung magiging daan ito upang magkaroon ng tiwala ang publiko sa bakuna.
Paglilinaw ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na hindi sila kasama sa priority list dahil ang talagang pinaka-unang prayoridad ng pamahalaan na mabakunahan ay ang mga medical at health frontliners.
Ayon kay Nograles, ayaw nilang maakusahan na sumisingit sa pila kung kaya’t iniiwasan nila na makasali sa priority list, subalit kung hihilingin umano na mauna silang makatanggap ng bakuna upang makatulong sa vaccine confidence ay nakahanda naman daw sila.
Bukas din aniya ang kalihim na magpabakuna ng anumang brand ng COVID-19 vaccine basta’t dumaan ito sa local regulator’s evaluation.
Handa raw si Nograles na gawin ito upang maipakita sa taumbayan na ligtas ang ipamamahaging bakuna ng gobyerno.
Batay sa vaccination plan ng bansa, mauunang makatanggap ng bakuna ang mga frontline health workers, ikalawa ang mga senior citizens, susundan ito ng mga indigent population, uniformed personnel at iba pang vulnerable population groups.
Inaaral na rin ng pamahalaan na bakunahan sa second quarter ng taong 2021 ang mga tinuturing na “economic frontliners” tulad ng mga drivers at ang mga nagtatrabaho sa food industry. (DARIS JOSE)
-
Psalm 27:8
Your face, Lord, I seek.
-
Matteo, panalangin sa Diyos na makasundo pa rin ang pamilya ni Sarah
Tila aminado si Matteo Guidicelli na hindi pa maayos ang relasyon niya sa mga magulang ng asawang si Sarah Geronimo. Ito’y matapos ihayag ng 30-year-old Fil-Italian actor na ang pagiging kompleto sana ng pamilya ni Sarah sa kanilang naging pag-iisang dibdib ang katuparan sa mga pangarap nito. Pero ayon kay Matteo, naniniwala siya […]
-
De Lima positibo sa COVID-19, nagkasintomas ‘matapos court hearings’
TINAMAAN na rin ng kinatatakutang COVID-19 si dating Sen. Leila de Lima, bagay na matagal na raw niyang inaasahang mangyari dahil sa palagiang “siksikang” hearings sa korte kaugnay ng hinaharap na mga kaso. “Tested positive yesterday for COVID-19 from both antigen and RT-PCR tests,” sabi ni De Lima sa isang pahayag ngayong Lunes. […]