• September 24, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

9 arestado sa droga sa Navotas

Siyam na hinihinalang sangkot sa ilegal na droga kabilang ang dalawang ginang ang nasakote ng mga tauhan ng Maritime Police sa Navotas City.

 

 

Ayon kay Northern NCR Maritime Police Station (MARPSTA) head P/Major Rommel Sobrido, dakong 6 ng gabi, nagsasagawa ng Oplan Sita ang kanyang mga tauhan sa pangunguna ni PLT Erwin Garcia sa harap ng Boss Ben, Market 1 Gate sa Bulungan St. NFPC, Brgy. NBBN nang parahin nila ang dalawang lalaki na magkaangkas sa motorsiklo dahil walang suot na helmet.

 

 

Hinanapan ng mga pulis ang driver na kinilalang si Francis Valiente, 27, messenger ng St. James, Sisa Exit, Tinajeros, Malabon city ng driver license at kaukulang papeles at nang buksan ang compartment ng motorsiklo nakita nila na tinakpan ng back rider na si Jhon Mark Durana, 23 ang isang stainless swiss knife.

 

 

Inatasan ng mga pulis ang dalawa na ilabas ang laman ng bulsa nila at itaas ang damit ay nakita sa kanilang baywang ang tig-isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na naging dahilan upang arestuhin ang mga suspek.

 

 

Nuna rito, dakong 3:30 ng hapon nang maaktuhan naman ng mga tauhan ng Maritime Police na nagsasagawa ng foot patrol si Joseph Mendoza, 36, Eduardo Bataanon, 49, Pepito Liwanag, 56, Sonny Umpad, 31, Alejandro Dayao, 48, pawang mangingisda, Cristy Rivera, 41, at Janeth Batiancila, 42, na sumisinghot umano ng shabu sa isang abandonadong fishing vessel sa Pier 5 NFPC Brgy. NBBN dahilan upang arestuhin ang mga ito.

 

 

Ani PSMS Nemesio “Bong” Garo, nakumpiska sa mga suspek ang limang plastic sachets ng hinihinalang shabu na tinatayang nasa P3,600 ang halaga at ilang drug paraphernalias. (Richard Mesa)

Other News
  • 2 wanted person sa Malabon, binitbit sa selda

    DALAWANG wanted person sa frustrated murder at theft ang nalambat sa isinagawang magkahiwalay na joint operation ng pulisya sa Malabon city.     Sa report PSMS Alddrich Reagan De Leon kay Malabon police chief Col. Albert Barot, dakong alas-9 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) sa pangunguna ni […]

  • Masaya kay LJ at sa non-showbiz fiance: PAOLO, nagsalita na rin sa relasyon nila ni YEN

    MARAMI nang naghihintay kung paano magla-live ang “Eat Bulaga,” na sa ngayon ay nagri-replay lamang ng mga past episodes nila?       Sinu-sino raw kaya ang sumama sa mga hosts at staff ng long-running noontime show, kina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon?     May balitang dalawa raw sa mga huling umalis […]

  • “Ang ipinaglaban natin noong nakaraang eleksyon ay pagpupugay sa ating demokrasya” – Fernando

    LUNGSOD NG MALOLOS – “Ang ipinaglaban natin noong nakaraang eleksyon ay pagpupugay sa ating demokrasya laban sa pulitika ng pera at pwersa ng makapangyarihang sekta.”     Ito ang pahayag ni Gobernador Daniel R. Fernando sa kanyang talumpati sa Ika-124 Anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas na ginanap sa bakuran ng Simbahan ng Barasoain […]