• March 14, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

9 patay sa COVID sa CAMANAVA

Siyam ang patay sa Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela (CAMANAVA) area sa COVID-19 nitong Marso 11, habang umakyat sa 2,133 ang active cases at sumipa sa 1,243 death toll.

 

 

Sa Caloocan City, 488 na ang namamatay at 520 ang active cases, samantalang 15,216 ang confirmed cases at 14,208 na ang total recoveries.

 

 

Isa naman ang patay sa Barangay Baritan at isa rin sa Barangay Panghulo, Malabon City,74 ang nadagdag na confirmed cases, at sa kabuuan ay 7,560 na ang positive cases sa lungsod, 625 dito ang active cases.

 

 

Sa kabilang banda, 33 na pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sa kabuuan ay 6,663 na ang recovered patients ng siyudad at 272 na ang COVID casualties.

 

 

Binawian naman ng buhay ang isang COVID patient sa Navotas, habang umakyat sa 5,436 ang active cases.

 

 

Umabot na sa 6,539 ang total cases sa lungsod, kung san 5,789 na ang gumaling at 204 na ang namamatay.

 

 

Patay rin ang isang pasyenteng may COVID sa Valenzuela City habang lumobo sa 442 ang active cases matapos na 90 ang magpositibo at 67 lamang ang makarekober.

 

 

Ang confirmed cases sa Valenzuela ay umakyat na sa 10,644, kung saan 9,923 na ang gumaling at 279 na ang namamatay. (Richard Mesa)

Other News
  • US, Pinas, tinalakay ang ‘destabilizing activities’ sa pinagtatalunang katubigan

    NAGDAOS ng pag-uusap ang Maynila at Washington hinggil sa  konkretong aksyon para tugunan ang “destabilizing activities” sa Philippine waters.     “We discussed concrete actions to address destabilizing activities in the waters surrounding the Philippines including the West Philippine Sea,”  ayon kay US Defense Secretary Lloyd Austin III.     “And we remain committed to […]

  • MARTIN at LIEZEL, deserving na maging Prince Zardoz at Zandra dahil parehong magaling na kontrabida

    NAKILALA na nga noong Biyernes ng gabi ang dalawang magpapahirap sa Voltes V team na sina Prince Zardoz at Zandra sa inaabangang live action series na Voltes V: Legacy na ihahatid ng GMA Network.     Masasabi naming parehong masuwerte ang napili at malaking break ito kina Martin del Rosario na gaganap bilang si Prince […]

  • KEN, unang sasabak sa online talk show na ‘Beshie Alert’; MAINE, kaabang-abang kung papayag sa tell-all interview kasama si ARJO

    SA pagsisimula ng Hulyo, mapapanood na ang newest online talk show sa YouTube ang Beshie Alert na iho-host ni Rams David.     At para sa unang episode si Ken Chan na nagsi-celebrate ng 10th anniversary sa showbiz, ang napiling I-feature ni Ateng Rams, na kung saan ang Kapuso actor ay bumibida ngayon sa Afternoon […]