• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

9 patay sa COVID sa CAMANAVA

Siyam ang patay sa Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela (CAMANAVA) area sa COVID-19 nitong Marso 11, habang umakyat sa 2,133 ang active cases at sumipa sa 1,243 death toll.

 

 

Sa Caloocan City, 488 na ang namamatay at 520 ang active cases, samantalang 15,216 ang confirmed cases at 14,208 na ang total recoveries.

 

 

Isa naman ang patay sa Barangay Baritan at isa rin sa Barangay Panghulo, Malabon City,74 ang nadagdag na confirmed cases, at sa kabuuan ay 7,560 na ang positive cases sa lungsod, 625 dito ang active cases.

 

 

Sa kabilang banda, 33 na pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sa kabuuan ay 6,663 na ang recovered patients ng siyudad at 272 na ang COVID casualties.

 

 

Binawian naman ng buhay ang isang COVID patient sa Navotas, habang umakyat sa 5,436 ang active cases.

 

 

Umabot na sa 6,539 ang total cases sa lungsod, kung san 5,789 na ang gumaling at 204 na ang namamatay.

 

 

Patay rin ang isang pasyenteng may COVID sa Valenzuela City habang lumobo sa 442 ang active cases matapos na 90 ang magpositibo at 67 lamang ang makarekober.

 

 

Ang confirmed cases sa Valenzuela ay umakyat na sa 10,644, kung saan 9,923 na ang gumaling at 279 na ang namamatay. (Richard Mesa)

Other News
  • KEN at RITA, parehong nag-positive kaya nahinto ang lock-in taping ng ‘Ang Dalawang Ikaw’ at naantala ang airing

    TODAY, June 21, ang world premiere ng Ang Dalawang Ikaw, a progressive and advocacy-driven story na gagampanan nina Ken Chan at Rita Daniela.     A married couple, as they face the challenges brought about by mental disorder, with Ken playing the roles of Nelson and Tyler, na may Dissociative Identity Disorder (DID) or may […]

  • Umaasa ang Kamara na maipapasa sa ikatlo at huling pagbasa ang resolusyon na mag-aamyenda sa restrictive economic provisions sa 1987 Constitution

    AYON kay House Deputy Majority Leader Janette Garin, posibleng maipasa ang Resolution of Both Houses No. 7 bago ang magbakasyon para sa Mahal na Araw sa Marso 22 maliban lang kung may magsusulong na ibalik ito sa debate.     Inaasahan na tatalakayin nina Senate President Juan Miguel Zubiri at Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang […]

  • ‘The Seed of Love’, three years in the making: RICKY, ipinapasa lang ang natutunang style kay Direk LINO

    KUNG ano raw ang natutunan ni Ricky Davao sa kanyang mentor noon na si Direk Lino Brocka, iyon din daw ang ipinapasa niya sa kanyang mga dinidirek na artista.     Naging direktor ni Ricky si Direk Lino sa dalawang pelikula na ‘White Slavery’ (1985) at ‘Natutulog Pa Ang Diyos’ (1988). Marami raw siyang nakuhang […]