9% poverty incidence rate, target ng Marcos admin
- Published on November 12, 2024
- by @peoplesbalita
TARGET ni Presidential Adviser for Poverty Alleviation Secretary Larry Gadon na maging 9% ang poverty incidence rate bago matapos ang termino ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr.
Sa isang panayam sa pagdaraos ng “Collective Efforts in Poverty Alleviation’ Forum sa Makati City, sinabi ni Gadon na kayang tugunan ng gobyernong Marcos na malansag ang kahirapan sa pakikipagtulungan ng ibat-ibang sangay ng pamahalaan sa pamamagitan ng one government approach.
Aniya nito lamang Hunyo ng kasalukuyang taon, may naitala ng 15 porsiyentong pagbaba ng kahirapan sa bansa kung saan nabatid na may pag angat ng savings sa mga bangko ang mamamayan base na rin sa mga datos ng mga bangko at pagdami rin ng mga sasakyan.
Bukod pa rito, tumaas din ang bilang ng mga estudyanteng dati ay umaasa sa 4Ps o subsidies ng gobyerno kung saan ngayon ay kasalukuyang may mga trabaho sa ibat ibang kumpanya sa tulong na rin ng TESDA.
Binigyang diin ni Gadon ang mga ginagawang inisyatibo ng pamahalaan para paigtingin ang dekalidad na edukasyon tungo sa maunlad na bansa.
Ginawa ang programa upang malaman ang kasalukuyan at magagawa pang programa sa ilalim ng OPAPA katuwang ang government agencies na nagtutulungan para mapababa ang kahirapan sa buong bansa.
Ayon kay Gadon, kabilang ang mga ahensiyang kanilang katulong ay ang National Economic Development Authority (NEDA), Department of Agriculture (DA), Philippine Statistics Authority (PSA), Department of Trade and Industry (DTI), Department of Health (DOH), Technical Education Skills and Development Authority (TESDA), Philippine Health Insurance Corp. (PHILHEALTH) at maging ang Asian Development Bank (ADB).
Sa kasalukuyan, pinaka mahirap na lugar ang bahagi ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) habang pumangalawa naman ang Region 9.
“Lahat ng ito ay para sa Pilipino, lahat ng ito ay para sa Bagong Pilipinas,” saad pa ni Gadon. (PAUL JOHN REYES)
-
State funeral para kay Queen Elizabeth II, gaganapin sa September 19
NAKATAKDANG isagawa ang state funeral para kay yumaong Queen Elizabeth II sa Setyembre 19 na gaganapin naman sa Westminster Abbey sa London, pasado alas-11:00 umaga, oras sa United Kingdom. Batay ito sa naging anunsyo ng Buckingham Palace kasabay ng pagkumpirma na dadalhin sa St. George’s Chapel sa Windsor Castle ang mga labi ng […]
-
Sa mga paandar na may caption na ‘I found the right one’: RURU at BIANCA, kino-congratulate na ng marami at may nagtatanong kung ‘engaged’ na
MARAMI ang nagko-congratulate sa Kapuso sweethearts na sina Bianca Umali at Ruru Madrid. Habang ang iba, nagtataka at nagtatanong. Paano naman, halos sabay na nag-post sina Bianca at Ruru sa kanilang individual Instagram accounts ng mga paandar na may caption na, “I found the right one” si Bianca at ang picture na pinost […]
-
NAVOTAS GRADS MAY CASH INCENTIVE
NAKATANGGAP ng tig-P1,500 na cash incentives mula sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas ang nasa 505 na mga mag-aaral ng Navotas Polytechnic College (NPC) na nagtapos ngayon taon. “Sa lalong madaling panahon, karamihan sa inyo ay sasali sa libu-libong bagong graduate na naghahanap ng trabaho. Sana ay makuha nyo ang mga trabahong pinapangarap nyo […]