90 day extension ng SIM card registration, inaprubahan ni PBBM
- Published on April 27, 2023
- by @peoplesbalita
INAPRUBAHAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang 90-day extension ng SIM card registration.
Nakatakdang magtapos kasi sa Abril 26, 2023 o ito kasi ang deadline ng pagpaparehistro ng SIM card ng mga subscriber.
Sa Facebook page ng Radio Television Malacañang (RTVM), nakasaad dito na “Failure to register within the given period of extension will result to limited SIM services from the telecommunication companies.”
Binigyan din ng direktiba ng Pangulo ang Department of Information and Communications Technology (DICT) para magsagawa ng public announcement sa bagay na ito.
Nauna rito, pinangunahan ni Pangulong Marcos ang sectoral meeting ukol sa updates kaugnay subscriber identity module (SIM) card registration sa State Dining Room sa Palasyo ng Malakanyang, ngayong araw ng Martes, Abril 25, 2023.
Bago pa ito, ipinaalam ng DICT kay Pangulong Marcos na nagpulong ito kasama ang mga stakeholders na binubuo ng public telecommunication entities at relevant agencies, araw ng Lunes, Abril 24, 2023, at ipinresenta ang panukalang palawigin o i-extend ang SIM registration period matapos ang April 26 deadline.
Sa kabilang dako, “as of 23 April 2023,” mahigit sa 82 milyong SIMs ang rehistrado na o 49.31% ng kabuuang active SIMs “as of December 2022.”
Sa kasalukuyan, mayroong 168,016,400 kabuuang bilang ng aktibong SIMs sa bansa.
Mula 82 million registered SIMs, mahigit naman sa 37 milyon ang Globe subscribers, mahigit naman sa 39 milyon ang Smart subscribers at mahigit sa five (5) milyon ang Dito subscribers.
Target ng DICT na mairehistro ang 70% ng active SIMs sa loob ng 90-day extension at magbigay ng ulat sa Pangulo na mas maraming Filipino “will enjoy social, digital and financial inclusion upon SIM registration.”
“In the weeks/days leading to the 26 April 2023 deadline, there has been a sharp increase in the number of daily registrants. To ramp up SIM registration, the National Telecommunications Commission (NTC) and other relevant government agencies have been conducting facilitated SIM registration in remote areas,” ang nakasaad pa rin sa Facebook page ng RTVM.
Ang Republic Act No. 11934 o ang SIM Registration Act ay nilagdaan ni Pangulong Marcos noong Oktubre 10, 2022 na naglalayong sugpuin ang naka-aalarmang paglaganap ng spam messages at scams sa pamamagitan ng short messaging services (SMS) o text sa bansa. (Daris Jose)
-
Nag-iisa at kakaibang trading card ni LeBron James posibleng maibenta sa mahigit $6-M
POSIBLENG aabot sa mahigit $6 milyon ang halaga ng kakaibang trading card ni NBA star LeBron James. Ang “Triple Logoman” card, na nag-iisang nailabas na card ng 18-time NBA All-Star ay may nakalagay na patches mula sa jerseys ni James habang ito ay naglaro sa Cleveland Cavaliers, Miami Heat at sa Los Angeles […]
-
BARBIE, nakikipagsabayan sa veteran actresses na sina BOOTS, SUNSHINE at MARICEL; sayang lang at ‘di kasama si JAK sa serye
BIG surprise pala kay Geneva Cruz nang i-offer sa kanya ng GMA Network ang bago nilang Afternoon Prime na Little Princess na ginagampanan ni Kapuso actress Jo Berry. “Nagulat ako kasi nga matagal na akong hindi umaarte. Dahil I chose to focus on singing in concerts and live shows,” sabi ni Geneva. […]
-
PBBM sa tatlong Duterte na planong tumakbo sa pagka- senador sa Eleksyon 2025: It’s a free country
”IT’S a free country.” Ito ang naging tugon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. nang kuhanan ng reaksyon kaugnay sa plano nina dating Pangulong Rodrigo Duterte at dalawa nitong mga anak na sina Davao City Mayor Sebastian “Baste” Duterte at Davao City Representative Paolo Duterte na tumakbo sa pagka-senador sa halalan sa susunod na […]