92 milyong balota para sa BSKE, tapos na
- Published on September 23, 2023
- by @peoplesbalita
NATAPOS nang iimprenta ng National Printing Office (NPO) ang higit sa 92 milyong balota na gagamitin sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na nasa kabuuang 92,054,974 opisyal na balota ang gagamitin sa halalan.
Itinurn-over na ng NPO sa Comelec nitong Huwebes ang certification of completion para sa pag-imprenta ng mga naturang balota, gayundin ang iba pang accountable forms para sa halalan.
Marso pa natapos ng NPO ang pag-imprenta ng higit sa 90 milyong balota. Nadagdag ngayon ang higit sa 1.6 milyon na balota dahil sa mga bagong rehistradong botante noong Disyembre 12, 2022 hanggang Enero 31, 2023.
Bukod dito, nakapag-imprenta na rin ang NPO ng 2,092,147 official ballots para sa plebisito upang ratipikahan ang conversion ng City of San Jose Del Monte, Bulacan bilang isang highly-urbanized city (HUC).
Magkasabay na isasagawa ang BSKE at plebesito sa San Jose Del Monte City sa Oktubre 30.
-
NFA, tinitingnan ang pagkakabit ng CCTVs sa mga warehouses, regular rotation ng mga tauhan sa sensitibong posisyon
INILATAG ni National Food Authority (NFA) acting Administrator Larry Lacson ang kanyang mga plano na magkabit ng closed-circuit television cameras (CCTVs) sa kanilang mga bodega at ilagay ang NFA personnel na humahawak ng sensitibong posisyon sa regular rotation. Sinabi ni Lacson na pinasimulan nya ang maraming ‘ procedural changes’ para pigilan ang insidente […]
-
PBBM, balik-Pinas na
BALIK-PINAS na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., araw ng Linggo matapos ang maikling byahe sa United Kingdom para sa koronasyon ni King Charles III at kanyang opisyal na pagbisita sa Estados Unidos kung saan nakipagpulong siya kay US President Joe Biden. “It feels good to be back home!” ang sinabi ni Unang Ginang […]
-
Maharlika Wealth Fund ‘soft-launch’ nakatakdang gawin ni PBBM sa Switzerland
NAKATAKDANG pag-usapan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang tungkol sa panukalang sovereign wealth fund ng bansa sa harap ng mga kapwa lider ng mundo sa 2023 World Economic Forum (WEF) sa Davos, Switzerland, sa susunod na linggo. Ito ang inihayag ng Department of Foreign Affairs (DFA). Ayon kay DFA Undersecretary […]