• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

94% ng NCR public schools, nakapag-full face to face classes na

INIULAT ng Department of Education (DepEd) na 94% na ng mga public schools sa National Capital Region (NCR) ang na­kabalik na sa pagdaraos ng limang araw na full face-to-face classses simula kahapon, Nobyembre 2.

 

 

Ito ay mahigit dalawang taon matapos ang pagsisimula ng COVID-19 pandemic.

 

 

Base sa ulat ng DepEd-NCR, sinabi ni DepEd spokesperson Michael Poa na ang mga naturang pampublikong paaralan at nag-o-ope­rate na ng full capacity, o 100% ng kanilang mga estudyante ay nakabalik na sa kani-kanilang mga paaralan.

 

Iniulat din ni Poa na naging maaayos sa pangkalahatan ang pagbabalik-mandatory face-to-face classes sa public schools.

 

 

Aniya, nag-aantabay pa rin naman sila ng updates mula sa kanilang  regional offices hinggil sa sitwasyon sa iba pang bahagi ng bansa.

“Sa ngayon po, ma­ayos naman po ang resumption ng ating classes so far. Naghihintay rin po kami ng feedback from our regional directors, para po kung may challenges encountered man ay matugunan agad,” pagtiyak pa ni Poa. (Daris Jose)

Other News
  • Sara Discaya, hinamon si incumbent Pasig City Mayor Vico Sotto na pumirma ng peace covenant

    HINAMON ni Sara Discaya at mga supporters nito si incumbent Pasig City Mayor Vico Sotto na pumirma ng isang peace covenant para sa isang patas at mapayapang halalan.   Ayon kay Discaya, pinadala na nila ang kopya ng dokumento sa opisina ni Sotto para sa rebisyon kung meron itong nais baguhin.     Nakapaloob sa […]

  • CA retired justice, ika-5 miyembro na bubusisi sa PNP generals, colonels

    TINUKOY ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin ‘Benhur’ Abalos Jr., si retired Court of Appeals (CA) Justice Melchor Sadang bilang ika-5 miyembro ng five-man committee na nakatakdang magrepaso sa courtesy resignations na isinumite ng mga senior officials ng Philippine National Police (PNP).     “Si Justice Sadang ay naging Associate […]

  • Denden umawra sa Olympic website

    PAGKARAAN ni volleyball ‘phenom’ Alyssa Valdez na rumampa sa website ng Olympic Channel si “Iron Eagle” Dennise Michelle ‘Denden’ Lazaro-Revilla naman ang sumunod.   Tinampok sa sports website ang volleyball career at achievements ng former national team libero, University Athletic Associoation of the Philippines (UAAP), at incoming player ng Choco Mucho Flying Titans sa pagtawid […]