97 bagong Delta variant, natukoy
- Published on July 31, 2021
- by @peoplesbalita
Umakyat na sa 216 ang kabuuang kaso ng Delta variant ng COVID-19 sa Pilipinas makaraang nasa 97 bagong kaso ang natuklasan ng Department of Health (DOH) sa pinakabagong ‘whole genome sequencing’.
Sa 97 bagong kaso, 88 ang mga lokal na kaso, anim ang mga Returning Overseas Filipinos (ROF), at tatlo ang kasalukuyang bineberepika pa.
Sa mga ROFs, dalawa ay mga tripulante ng MT Clyde at Barge Claudia na nakadaong sa Albay at apat ang mga crew naman ng MV Vega na kararating lang mula sa Indonesia.
Nasa 94 ang nakarekober na habang tatlo ang nasawi. Patuloy na nakikipag-ugnayan ang DOH sa mga lokal na pamahalaan para makakuha ng karagdagang mga impormasyon tulad ng kung sino ang mga nakasa-lamuha at ang kanilang ‘vaccination status’.
Samantala, nakapagtala naman ng 83 bagong kaso ng Alpha variant; 127 bagong kaso ng Beta variant; at 22 kaso ng P.3 variant. (Daris Jose)
-
Nakipagbarilan, magtiyuhin tigbak sa parak sa Malabon
Todas ang isang 53-anyos na lalaki at kanyang pamangkin matapos makipagbarilan sa rumespondeng mga pulis sa Malabon City, kamakalawa ng gabi. Kinilala ni Malabon police chief Col. Joel Villanueva ang nasawing mga suspek na sina Nolito Cimanes, alyas “Koping” at kanyang pamangkin na si Manuel Cimanes, 34, construction worker at kapwa ng 444 […]
-
3 timbog sa sugal at shabu sa Valenzuela
BINITBIT sa selda ang tatlong katao matapos maaktuhang naglalaro ng ilegal na sugal na cara y cruz at makuhanan pa ng shabu ang dalawa sa kanila sa Valenzuela City. Sa report ni PCpl Christopher Quiao kay Valenzuela police chief P/Col. Nixon Cayaban, nakatanggap ang Bignay Police Sub-Station (SS-7) ng impormasyon mula sa isang […]
-
Mark Wahlberg Reveals Why ‘Father Stu’ Is His Most Important Film To Date
MARK Wahlberg, the star of the upcoming biographical drama Father Stu, reveals why he thinks it’s the most important film of his career to date. Helmed by first-time director Rosalind Ross, Father Stu follows the real-life story of Father Stuart Long, a boxer-turned-priest who inspired myriad people in his journey from self-destruction to redemption. All the while, he was […]