• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

98K benepisaryo, nakakuha ng P221-M AICS sa ‘Bagong Pilipinas’ caravan

INIULAT ng  Department of Social Welfare and Development (DSWD) na namahagi ito ng P221.06 milyong piso sa 98,092 benepisaryo sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) program nito sa idsinagawang pag-arangkada  ng Bagong Pilipinas service caravan sa apat na lalawigan nito lamang  weekend. 
Ang  98,092  benepisaryo ng AICS  ay bahagi ng  322,689 benepisaryong nakarehistro sa portal  ng “Bagong Pilipinas Serbisyo Fair” (BPSF) sa isinagawang sabay-sabay na pag-arangkada sa  Ilocos Norte, Camarines Sur, Leyte at Davao de Oro nito lamang Setyembre 23 hanggang 24, 2023.
Sa naging pag-uulat ni Assistant Secretary Ada Colico ng Statutory Programs sa ilalim ng  Operations Group kay DSWD Secretary Rex Gatchalian, sinabi nito na nakapagtala ang Leyte ng pinakamataas na bilang ng AICS clients  na may 48,018, sinundan ng Ilocos Norte na may 26,353; Camarines Sur na may 12,264; at Davao de Oro na may 11,457.
Sa kabuuang halaga na naipamahagi,  ang mga benepisaryo mula sa Leyte  ay nakakuha ng P97.91 million; Ilocos Norte, P77.84 million; Camarines Sur, P24.53 million; at Davao de Oro, P20.78 million.
“The Bagong Pilipinas caravan is the country’s biggest service caravan aimed at providing major government services to less fortunate Filipinos in various communities across the country,” ang sinabi ni Gatchalian sa isang kalatas.
Tinuran nito na ang tagumpay ng paglulunsad ng  BPSF noong nakaraang Sabado ang nag-udyok sa mga nag-organisa na palawigin ang ilang programa mula sa orihinal na  two-day event, nakapanghikayat ng mas higit pa sa 300,000 benepisaryo sa buong bansa.
Inilunsad ang caravan kung saan itinampok ang  “Kadiwa ng Pangulo,” naglalayong paghusayin ang  access sa abot-kayang halaga ng pagkain at iba pang bilihin, “Passport on Wheels,” driver’s license registration at assistance, national identification, Pag-IBIG Fund, at National Bureau of Investigation at police clearance applications.
Tiniyak naman ni Gatchalian  na dadalhin ng administrasyong Marcos ang Bagong Pilipinas service caravan sa lahat ng 82 lalawigan sa bansa matapos ang matagumpay na paglulunsad nito. (Daris Jose)
Other News
  • Kasama sina Alden, Julia, Kathryn at Piolo: DINGDONG at MARIAN, pararangalan bilang ‘Box Office Heroes’ sa ‘7th EDDYS’

    BILANG pagkilala at pagpapahalaga sa mga naging bahagi ng muling pagbangon ng Philippine movie industry noong nakaraang taon, magkakaroon ng bagong special award ang 7th The EDDYS o Entertainment Editors’ Choice. Inihayag ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ang pamamahagi ng Box Office Hero Award sa gaganaping awards night ng ika-7 edisyon ng The […]

  • GSIS, mag-aalok ng emergency loan para sa mga biktima ng bagyong ‘Florita’

    SINABI ng Government Service Insurance System (GSIS) na ia- activate  nito ang kanilang emergency loan program para sa mga miyembro  at  pensioners  na matinding tinamaan ng  tropical storm “Florita.”     Kadalasan na iniaalok ng GSIS ang emergency loans sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity.     “GSIS members who have […]

  • MMDA, nagpaalala sa publiko na asahan ang mabigat na trapiko sa Disyembre 21

    PINAYUHAN ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motorista na dumaan sa mga alternatibong ruta dahil magaganap ang “Parade of Stars 2022” para sa Metro Manila Film Festival (MMFF) sa Quezon City sa Disyembre 21.     Ang parada, na hino-host ng Quezon City local government unit (LGU), ay magtatampok ng mga float na […]