99,600 doses ng Moderna vaccine ibibigay sa Overseas Filipino workers at seafarers- Galvez
- Published on June 30, 2021
- by @peoplesbalita
MAY kabuuang 99,600 doses ng Moderna vaccine ang dumating sa bansa kahapon, Hunyo 29.
Ang mga bakunang ito ay ibibiigay naman sa Overseas Filipino Workers at Seafarers.
“Ibibigay namin ‘to sa mga OFWs at seafarers na pinangakuan natin at sa ating mga frontliners na kailangang kailangan po, ‘yong different government employees po natin,” ayon kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. sa Talk to the People ni Pangulong RodrigoRoa Duterte, Lunes ng gabi.
Ito ang second batch ng Moderna vaccine doses na darating sa bansa ngayong buwan.
Nito lamang nakaraang linggo ay lumapag sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3 ang 250,000 Moderna vaccine doses.
Sa 249,600 doses, 150,000 ang binili ng gobyerno habang ang 99,600 naman ay binili ng pribadong sektor.
Sinabi pa ni Galvez na ang COVID-19 vaccines na darating sa bansa sa susunod na buwan ay 5.5 million Sinovac doses; 1.17 million AstraZeneca doses; 250,800 Moderna doses; at 500,000 Pfizer doses.
Hangad naman ng National Vaccination Operations Center (NVOC) na makamit ang 8 hanggang 10 milyong katao na mabakunahan sa susunod na buwan kapag ang suplay ng COVID-19 jabs ay sapat.
Sa kabilang dako, ipinakita rin ni Galvez ang mataas na bilang ng doses na idineliver mula sa Sinovac vaccines.
“For the first quarter of 2021, 2 million doses of Sinovac vaccines were delivered while 525,600 AstraZeneca vaccines arrived in the country.
In the second quarter, a total of 14,929,870 vaccines were delivered. Of which, 10 million from Sinovac, 2,469,870 from Pfizer, 2,030,400 from AstraZeneca, 249,600 from Moderna, and 180,000 from Sputnik V,” ayon kay Galvez. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
IRR ng vintage vehicle law nilagdaan
NILAGDAAN kamakailan lamang ni Land Transportation Office (LTO) assistant secretary Jose Arturo Tugade ang implementing rules and regulations o ang IRR ng Republic Act 11698 o ang mas kilalang Vintage Vehicle Regulation Act. Noong nakaraang April pa naging effective ang nasabing batas na naglalayon na maprotektahan at maitaguyod ang vehicle heritage ng bansa […]
-
Maria Ressa ‘abswelto’ sa 4 na tax evasion cases — korte
INABSWELTO ng First Division ng Court of Tax Appeals si Rappler CEO Maria Ressa at Rappler Holdings Corp. sa apat na kaso ng tax violations na inihain pa noong 2018. Miyerkules nang ibaba ng CA ang hatol sa Nobel Laureate at RHC tungkol sa mga kasong nakabinbin pa simula noong nakaraang administrasyon ni […]
-
Jeepney operators at drivers binahagi ang mga hinaing sa consolidation
MULING nanawagan ang mga jeepney operators at drivers sa pamahalaan na lumahok at nagtayo ng kooperatiba para sa programa ng PUV Modernization na tanggalin at huwag ng ipatupad ang consolidation. Sa isang press conference na ginawa ng PISTON ay kanilang sinabi na ang mga operators na sumali sa consolidation ay nawalan ng […]