487K AstraZeneca vaccines darating sa Pinas
- Published on March 5, 2021
- by @peoplesbalita
Darating sa Pilipinas ang 487,200 bakuna mula sa AstraZeneca.
Ito ang inanunsiyo ni Sen. Bong Go na sinabing sasalubungin nila ito (Marso 4, Huwebs) ni Pangulong Rodrigo Duterte dakong alas-7 ng gabi sa Villamor Airbase.
Ang nasabing bakuna ay mula sa COVAX facility.
“This is to confirm that the initial shipment of AstraZeneca is set to arrive tomorrow, March 4, 2021, 7:30PM, as part or the first round of allocated doses from the COVAX facility,” pagkumpirma naman ni Presidential Spokesman Harry Roque.
Matatandaan na inasahan ng gobyerno ang pagdating ng mahigit sa 500,000 bakuna ng AstraZeneca vaccine nitong Lunes subalit hindi natuloy dahil sa limitadong bakuna.
Ayon kay Go, nakatanggap ang Malakanyang ng isang liham na nag-aabiso ng pagdating ng bakuna.
Umaasa naman ang senador na hindi na mauudlot ang pagdating ng bakuna ngayong araw.
Samantala, tumanggi naman sina Vaccine Czar Sec. Carlito Galvez at Health Sec. Francisco Duque III na kumpirmahin ang pagdating ng AstraZeneca vaccines ngayong Huwebes.
“Dalawang beses na kami nakuryente diyan. Mabuti i-confirm ‘pag may plane nang lumipad from Belgium,” sabi ni Galvez, chief implementer ng National Task Force Against COVID-19.
Samantala, nakatitiyak ang Malacañang na mas tataas ang kumpiyansa ng mga mamamayan na magpabakuna habang patuloy ang pagd ating ng bakuna sa bansa.
Ayon kay Presidential Communications Operations Office Secretary Martin Andanar, mas dumami ang health workers na nais mabakunahan.
Ilang pribadong ospital na rin aniya ang nag-request ng alokasyon ng Sinovac. (Daris Jose)
-
MAY KAPANGYARIHAN BA ang LGU na MAG-EXTEND ng PRANKISA o SPECIAL PERMIT ng PUBLIC TRANSPORT?
WALA. Ayon sa Executive Order 202, ang LTFRB ang may kapangyarigan gawin ito dahil ito ay delegated power ng Kongreso sa nasabing Ahensya. Pero paano kung ang hindi pagbigay ng prangkisa o pag extend ng special permit ay hindi nagawa ng LTFRB? May magagawa ba ang LGU para sa kapakanan ng […]
-
Jade Bornea hahamon sa IBF junior bantamweight
AALAMIN ang isang purse bid para sa world title fight nina International Boxing Federation junior bantamweight champion Fernando Martinez at challenger Jade Bornea para sa mandatory title bout ng Argentinian ngayong taon. Si Martinez ang humablot ng IBF titleng kababayang Pinoy ni Bornea na si Jerwin Ancajas via unanimous decision sa sa Estados Unidos […]
-
‘One-time, big-time’ tigil pasada ikinakasa!
NAGBANTA ang isang transport group na magtitigil-pasada at magsasagawa ng ‘one-time, big-time’ na transport strike, kung hindi pagbibigyan ng pamahalaan ang kanilang hiling na ibalik muna ang hiling na pisong provisional increase sa pasahe. Binigyan lamang ng grupong Liga ng Transportasyon at mga Operators sa Pilipinas (LTOP) ang Land Transportation Franchising and Regulatory […]