• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mataas na bilang ng COVID-19 cases sa mga DepEd personnel, ikinaalarma

IKINAALARMA ni Assistant Minority Leader at ACT Teachers Rep. France Castro ang mataas na bilang ng COVID cases sa mga personnel ng Department of Education.

 

Kasabay nito, hinikayat ng mambabatas ang Department of Education na agad kumilos para masiguro na maibibigay ang healthcare services at tulong sa mga DepEd personnel na nagkasakit ng covid.

 

Nabatid sa isinagawang interpelasyon ng badyet na nasa 2,193 personnel ng Department of Education sa buong bansa ang nahawa ng COVID-19. Sa bilang, 561 ay active cases, 1584 ang gumaling habang 48 naman ang nasawi.

 

“We raise alarm over the huge number of COVID cases among DepEd personnel. With that high number of cases of COVID among DepEd personnel, what has the agency done to aid their personnel? What can its personnel expect from the DepEd to ensure they will be taken care of in case they get COVID?” pagtatanong ni Castro.

 

Umapela pa ito sa departamento na siguruhin na may access ang kanilag personnel sa healthcare services bukod pa sa PhilHealth benefits.

 

Sinabi pa ng mambabatas na dapat magsilbing wake up call ang mataas na bilang ng COVID cases sa mga DepEd personnel para gumawa ng dagdag na paraan upang matulungan ang mga ito.

 

Ipinanukala rin nila na ibalik sa 2021 national budget ang P500 annual medical check-up at lump sum na P2B para sa libreng medical treatment at hospitalization ng mga teachers at non-teaching employees. (Ara Romero)

Other News
  • Ads December 14, 2022

  • Hidilyn Diaz ibinahagi ang mga hamon ilang oras bago ang pagkamit ng Olympic gold medal

    Ibinahagi ni Olympic gold medalist Hidilyn Diaz ang mga naranasan nito ilang minuto bago ang kaniyang makasaysayang pagkamit ng Olympic gold medal sa weightlifting.     Sinabi nito na isang araw bago ang kumpetisyon ay kumonsolta siya sa kaniyang sports psychologist na si Dr. Karen Trinidad dahil tila nawawala na ito ng kumpiyansa sa kaniyang […]

  • May nagpapa-deliver ng food at may nagluluto: JILLIAN, umamin na dalawa sa kasama sa serye ang nagpaparamdam

    DALAWA sa co-stars ni Jillian Ward sa Abot Kamay Na Pangarap ang nagpaparamdam sa magandang Kapuso young actress.   Sa guesting kasi ni Jillian sa Sarap, ‘Di Ba? ay tinanong ni Carmina Villarroel siya kung totoo bang may nagpaparamdam o nagpapa-cute sa kanya sa Abot-Kamay na Pangarap?”     Dito na nabanggit ni Jillian ang napapansin niya sa dalawang male […]