• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pope Francis, magsasagawa ng misa sa Vatican para sa 500th anniv ng Kristyanismo sa PH

Pangungunahan ni Pope Francis ang mga Pilipino sa Italy sa selebrasyon ng ika-500 taon ng Kristyanismo sa Pilipinas.

 

 

Ayon kay Scalabrinian Father Ricky Gente ng Filipino Chaplaincy sa Rome, magsasagawa ng Misa ang Santo Papa sa St. Peter’s Basilica sa Marso 14 dakong alas-10:00 ng umaga.

 

 

Ngunit dahil sa nagpapatuloy na COVID-19 pandemic, limitado lamang ang bilang ng mga papayagang dumalo sa misa sa loob ng basilica.

 

 

Sinabi pa ni Gente, ila-livestream ang misa upang maabot ang mga Pilipino sa iba’t ibang panig ng mundo.

 

 

“Join us in Rome to pray, praise and thank God for his gift of the Christian faith,” wika nito.

 

 

Kasama ni Pope Francis si Cardinal Luis Antonio Tagle, prefect ng Congregation for the Evangelization of Peoples, at Cardinal Angelo De Donatis, vical general ng Rome.

 

 

Maliban dito, mangunguna rin ang Santo Papa sa tradisyunal na pagdarasal ng Angelus sa St. Peter’s Square sa tanghali pagkatapos ng Misa.

 

 

Kung maaalala, noong 2019 ay nanguna rin si Pope Francis sa tradisyunal na “Simbang Gabi” Mass kasama ang Pinoy community sa Roma at kinilala ang papel ng mga overseas Filipino workers sa paglago ng Simbahang Katolika sa buong mundo.

Other News
  • NAVOTAS, NASUNGKIT ANG PANG-APAT GAWAD KALASAG SEAL

    MINARKAHAN ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas na minsan nang nakilala bilang Beyond Compliant sa Gawad KALASAG Search for Excellence in Disaster Risk Reduction and Management (DRRM) at Humanitarian Assistance matapos masungkit nito ang pang-apat na prestigious award.     Itinampok ng Kalasag seal ang pambihirang pagsisikap ng lungsod sa pagpapatupad ng mga proactive disaster risk […]

  • Sobrang bastos, kaya ‘di napigilan na patulan: JANNO, minura ng isang netizen dahil sa pagbabayad ng tax

    DAHIL sa IG post ni Janno Gibbs tungkol sa pagbabayad ng tax, minura siya ng isang netizen,     Sa post ng singer-comedian, “Bayaran na naman ng Tax.     “Buti pa mahirap, walang babayaran.     “Buti pa mayaman, maraming paraan.     “Kawawa middle class, walang takas.     “Buti na lang wala […]

  • Juico, Cruz suspendido vs MPBL game fixing

    SINUSPINDE ang dalawang manlalaro ng Pampanga Giant Lanterns na sina Michael Juico at Mark Cruz matapos madawit sa alegasyong game-fixing kontra San Juan Knights sa North Division finals.   Sa nilabas na memo ng pamunuan ng MPBL na pirmado ni Commissioner Kenneth Duremdes ay hinirit sa NBI na imbestigahan ang kaso ng dalawa na nasangkot […]