• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MAINE, Walang kaalam-alam sa naganap na zoom party; ARJO, nag-post ng short but sweet birthday message

WALA talagang kaalam-alam ang tinaguriang Dubsmash Queen na si Maine Mendoza sa in-organize na surprise Zoom party ng kanyang talent management na All Access to Artist (Triple A).

 

 

Na kung saan dumalo ang mga taong malapit sa kanya (pamilya at kaibigan), kabilang ang kanyang loyals fans para maagang I-celebrate ang 26th birthday ilang araw bago mag-March 3.

 

 

Sa post ni Maine sa kanyang Twitter account, ipinakita niya ang naganap na zoom party at labis siyang nagpapasalamat sa lahat na nag-effort na batiin siya sa kanyang kaarawan.

 

 

“BIIIG THANKS to the people behind tonight’s surprise Zoom birthday party; to my management (All Access to Artist) for putting it all together; to my family, friends and supporters for the loooove! Thank you for this #newnormal birthday paandar.

 

“Heart suit. #aMAINEzingAt26 #tuhray,” post ng Eat Bulaga Dabarkads.

 

 

Noong Miyerkules, mismong birthday ni Maine sa Eat Bulaga, bumaha na naman ng cakes na mula sa mga fans na makikita sa facebook page ng noontime show.

 

 

Samantala, bukas (March 6) na matutunghayan ang kauna-unahang pagsasama nina Maine at Arjo Atayde sa isang TV show.

 

 

Tiyak na aabangan ng mga followers ang kanyang birthday special sa Kapuso sitcom na Daddy’s Gurl na kung saan nag-guest nga ang kanyang boyfriend na nag-post ng short but sweet birthday message.

 

 

Post ni Arjo sa kanyang IG account, “I just never want to stop making memories with you. I love you! Happy Birthday, Bubby.” (ROHN ROMULO)

Other News
  • Sen. Robin Padilla, ‘di bibitawan ang target na maselang komite sa Senado

    WALANG  plano si Senator-elect Robin Padilla na bitawan ang nais niyang Senate committee on constitutional amendments and revision of codes.     Ito ang sinabi ni Padilla sa kanyang personal na pagtungo ngayong araw sa Senado upang maging pamilyar na sa magiging takbo ng mga trabaho.     Magsisimula ang panunungkulan ng dating aktor sa […]

  • Original Japanese and English-Dubbed Versions of ‘The Boy and The Heron’ available in PH cinemas, Fan Screening Event on January 6

    FANS who are eagerly awaiting Studio Ghibli and Hayao Miyazaki’s ‘The Boy and The Heron’ are in for a thrilling experience at the cinemas as Encore Films (Ph) and Warner Bros. bring the original Japanese and English-dubbed versions to local screens nationwide. The film has been nominated and also won in prestigious film awards circles. […]

  • Health workers group nanawagan sa DOH na ilabas na HEA

    MAINGAY ang panawagan ng ilang grupo ng mga health workers para ilabas na ng Department of Health ang kabayaran sa mga health emergency allowances (HEA) ng healthworkers sa bansa.           Matatandaang noong mga nakaraang buwan ay kabi-kabilang rally ang isinasagawa ng mga grupo ng mga healthworkers upang mabayaran na sila ng DOH sa ilang buwan […]