• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga ospital sa Metro Manila, humirit pa ng bakuna

Dahil sa patuloy na  pagtaas ng kumpiyansa sa bakuna, humihingi na rin ang mga empleyado ng East Avenue Medical Center sa Quezon City ng karagdagang Sinovac vaccine.

 

 

Ayon kay Dr. Dennis Ordoña, Spokesperson ng naturang ospital, mas dumami na ang mga health workers ang nais ngayon magpabakuna makalipas ang tatlong araw na vaccine rollout.

 

 

Base sa kanilang listahan, 100 lamang ang unang nagparehistro para magpabakuna kahapon mula sa 1,200 na mga empleyado nito at  nagulat sila ng malamang ang 175 pa nilang empleyado ay nais na ring magpabakuna ng Sinovac Vaccine.

 

 

Ikinatuwa naman ito ni Dr. Odoña kasabay ng apela sa Department of Health na dagdagan ang naunang dosage na ibi­nigay sa kanila.

 

 

Una ng nabigyan ng 300 dosage ng Sinovac Vaccine ang East Avenue Medical Center noong Martes kung saan unang nabakunahan ang Medical Chief na si Dr. Alfonso Nuñez at Head Nurse na si Rose Marie Reyes ng ospital. Magugunitang humirit na rin ka­makalawa ng dagdag na bakuna ang Philippine General Hospital makaraang tumaas ang bilang ng kanilang mga health workers na nagnanais nang magpabakuna.

 

 

Ang San Lazaro Hospital din, ay sinasabing kinakapos na rin sa baku­na makaraang magpasya ang marami nilang health workers ang nagpasya na maturok sa kanila ang Sinovac vaccine.

Other News
  • Facebook, lumalabas bilang ‘accessory to a crime’ dahil sa hindi pagba-block sa e-sabong — DILG

    LUMALABAS na “accessory to a crime” ang social media giant Facebook dahil hindi nito binlock ang e-sabong o online cockfighting sa platform nito.     Nagpahayag ng pagkadismaya si Interior Undersecretary Jonathan Malaya dahil hindi man lamang nakakuha ng kahit na anumang tugon ang DILG sa kanilang request na i- block ang Facebook pages na […]

  • Esport team ng bansa nakakuha na ng 1 gold medal sa SEA Games

    NAKAKUHA na ng gold medal sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam ang pambato ng bansa sa Esports.     Ito ay sa pamamagitan ng Sibol Wild Rift Women’s Team.     Na-sweep nila ang competition sa near perfect tournament.     Unang sweep nila ay ang group stage na nagtapos sa 4-0 card […]

  • DOTr: MM subway 2025 pa ang partial opening

    PINAHAYAG ng Department of Transportation (DOTr) na ang partial opening ng Metro Manila Subway project ay nalipat sa 2025 dahil sa mga challenges na dinulot ng pandemyang COVID-19 sa bansa.       Sinabi ni DOTr Secretary Arthur Tugade na ang targeted  partial opening ng Metro Manila Subway ay sa 2025 habang ang buong operasyon […]