• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

3 timbog sa buy bust sa Malabon

Tatlong hinihinalang drug personalities kabilang ang dalawang ginang ang arestado matapos makumpiskahan ng higit sa P.1 milyon halaga ng shabu sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Malabon city, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ni Malabon police chief Col. Angela Rejano ang naarestong mga suspek na si Amado Amano, 50, Blesilda Dela Cruz, 48, kapwa ng Alupihang Dagat St. Brgy. Longos at Susan Enamno, 57 ng NAIA Pasaya city.

 

 

Ayon kay PSSg Salvador Laklaken Jr., dakong 11:05 ng gabi nang magsagawa ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni PSSg Juluis Sembrero sa ilalim ng pangangasiwa ni P/Capt. John David Chua sa pamumuno ni Col. Rejano ng buy bust operation sa Alupihang Dagat Street.

 

 

Kaagad dinamba ng mga operatiba ang mga suspek matapos bentahan ni Amano at Dela Cruz ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer.

 

 

Nakumpiska sa mga suspek ang nasa 15.57 gramo ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P105,876.00 ang halaga at marked money.

 

 

Kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang isinampa ng pulisya kontra sa mga suspek sa Malabon City Prosecutors Office. (Richard Mesa)

Other News
  • Newsome, Amer bombilya ng Meralco sa 45th PBA

    MAY ilang taon na ring nangangamote ang Meralco sa Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup, kagaya sa nakalipas na taon, sumablay playoffs.   Pagsapit ng Commissioner’s Cup, sumalto sa quarterfinals, saka nakabawi sa Governors Cup, sinementuhan ang pagiging contender nang makarating sa finals.   No. 2 sila sa eliminations, hindi inaksaya ang twice-to-beat sa quarters […]

  • Munhoz nagpositibo sa COVID-19

    Ang nasabing anunsiyo ay isinagawa bago ang laban nito kay dating UFC lightweight world champion Frankie Edgar sa darating na Hulyo 15.   Dahil sa pangyayari ay hindi na matutuloy na sasabak ang Brazilian bantamweight fighter.   Gaganapin ang laban ng dalawa sa Fight Island sa Abu Dhabi.   Nagbigay naman ng panghihinayang at asam […]

  • National Cathedral sa US pinatunog ng 1-K beses dahil sa kaso ng COVID-19

    PINATUNOG ng 1,000 beses ang kampana ng Washington Natonal Cathedral sa US.     Ang bawat tunog kasi ay nagrereporesnta ng 1,000 bawat kamatayan mula sa COVID-19 habang papalapit na sa 1-milyon na ang nasawi.     Itinuturing kasi na ang US ang may pinakamaraming nasawi dahil sa COVID-19 sa buong mundo na mas marami […]