• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

100 MEDICAL WORKERS SA NAVOTAS, NABAKUNAHAN NA

NASA 100 medical workers ng Navotas City Hospital ang unang nakatanggap ng bakuna ng Coronavirus Disease 2019 noong Biyernes sa pangunguna ni Dr. Roan Salafranca, NCH Chief of Clinics.

 

 

Tinanggap ng Navotas ang mga bakuna noong Huwebes at dinala sa cold room sa Navotas Polytechnic College.

 

 

“Tuwang-tuwa kami at nagpapasalamat na ang ilan sa aming mga frontliner ay natanggap na ang kanilang shot. Dahil dumarami ang mga kaso sa amin, inaasahan naming maglaan at magpadala ng maraming mga bakuna sa Navotas ang national government,” ani Mayor Toby Tiangco.

 

 

Bumili aniya sila ng 100,000 dosis ng bakunang AstraZeneca, na inaasahang darating sa second half ng 2021. Habang hinihintay ang order, inaasahan ng lungsod na makakatanggap sila ng higit pang mga bakuna mula sa pambansang pamahalaan upang maprotektahan ang kanikang halos 800 medical frontliner.

 

 

Ang Navotas City Health Department ay may 799 employees, 353 dito ang nagtatrabaho sa NCH.

 

 

Nauna rito, inihayag ng lungsod na balak nitong bumili ng bakuna mula sa Pfizer at Moderna, dalawang iba pang manufactures na pinakagusto ng Navoteños, base sa survey ng lungsod noong Disyembre. (Richard Mesa)

Other News
  • Durant, USA basketball team sa Olympics binubuo ng NBA stars

    Halos kompleto na ang bubuo ng USA Basketball team na sasabak sa Tokyo Olympics.   Ang national team ay kinabibilangan ng mga NBA superstars.     Kabilang sa umano sa nagbigay na ng kumpirmasyon ay sina Chicago Bulls guard Zach LaVine at si Detroit Pistons forward Jerami Grant.     Gayunman ang Brooklyn Nets superstar […]

  • SC, tuluyan nang ibinasura ang Anti-Terror Act of 2020

    TULUYAN  nang ibinasura ng Korte Suprema ang mga petisyon na humihiling na ibasura ang Anti Terrorism Act of 2020.     Sa En Banc deliberation dito sa Baguio City ng mga mahistrado ng SupremeCourt (SC), binasura ang mga inihaing motions for reconsideration ng mga petitioner.     Ibinase ng SC En Banc ang desisyon sa […]

  • Experience the wonder of the Nativity in Christmas with ‘The Chosen: Holy Night’

    CELEBRATE the season with a breathtaking retelling of the Nativity as “Christmas with The Chosen: Holy Night”premieres in the Philippines this December 11, exclusively at SM Cinemas.     This Christmas special, inspired by the globally acclaimed TV series The Chosen, offers a heartfelt portrayal of the birth of Jesus Christ, seamlessly blending human emotion […]