MRT-3 rehab matatapos na sa Disyembre 2021
- Published on March 9, 2021
- by @peoplesbalita
Magtatapos na sa Disyembre 2021 ang isinasagawang rehabilitasyon sa Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) kaya’t asahan na umano ang mas marami pang operational trains at mas mabilis na turnaround time ng rail line.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), dahil sa rehabilitation project ay dumami ang bilang ng mga operational trains ng MRT-3.
Mula sa dating 10-15 operational trains noong Mayo 2019, ay naging 23 na ito simula Enero, 2021.
Anang DOTr, malaking tulong ang pagdami ng mga bumibiyaheng tren upang madagdagan ang mga pasaherong naisasakay ng MRT-3 kahit pa limitado ang kapasidad nito dahil sa umiiral na health protocols laban sa COVID-19.
Samantala, nadagdagan din ang operating speed ng mga tren ng MRT-3 na aabot na ng hanggang 60kph pagsapit ng Disyembre 2020 sanhi upang mabawasan ang headway o waiting time ng mga pasahero ng apat na minuto hanggang 3.5 minuto mula sa dating 8-9.5 minuto. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
PBBM, bitbit ang $1.3-B investment pledges matapos ang mabungang US official visit
BITBIT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. pag-uwi sa Pilipinas ang USD1.3 bilyong halaga ng investment pledges matapos ang five-day official visit sa Estados Unidos. Sa kanyang post-visit report, sinabi ng Pangulo na sa kanyang mga engagements kasama ang maraming American business groups, sinabi niya na nagawa niyang akitin ang maraming negosyante na palawakin ang […]
-
34 heat-related illness, 6 patay naitala ng DOH
NAKAPAGTALA na ang Department of Health (DOH) ng 34 kaso ng heat-related illnesses sa bansa, kabilang ang anim na namatay, ngayong mataas ang heat index sa ilang lugar. Base sa kanilang Event-Based Surveillance and Response System, ang naturang 34 heat-related illness cases ay naiulat mula Enero 1 hanggang Abril 18, 2024 lamang. […]
-
State of calamity, idineklara ni Abalos sa apat pang lalawigan dahil kay Carina, Habagat
SINABI ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos Jr. na idineklara ang State of Calamity sa apat pang lalawigan kasunod ng pananalasa ng southwest monsoon na pinalakas ng bagyong Carina. Sa isinagawang ‘situation briefing on Carina’ kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinabi ni Abalos na maliban sa mga lungsod […]