• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DA mangangailangan ng P27.1-B para sa mga programa vs ASF, pagpaparami ng baboy sa Phl

Aabot sa P27.1 billion ang kakailanganin na pera ng Department of Agriculture (DA) para sa kanilang mga programa kontra African swine fever at sa pagpaparami ulit ng bilang ng baboy sa bansa sa loob ng tatlong taon.

 

 

Sa joint hearing ng House Committees on Agriculture and Food at Trade and Industry, sinabi ng DA Usec. Willie Medrano na gagamitin ang P27.1 billion mula 2021 hanggang 2023.

 

 

Sa ilalim ng 2021 General Appropriations Act (GAA), sinabi ni Medrano na P2.6 billion ang alokasyon para sa calibrated repopulation at intensified production, swine breeder multiplier farms, insurance premium, at biosecurity at surveillance program.

 

 

Subalit kulang aniya ang halagang ito at kailangan nila ng P4.297 billion bilang karagdagang pondo.

 

 

Para sa taong 2022, sinabi ni Medrano na P11.340 billion ang kakailanganin nilang pondo, at P9.390 billion naman para sa 2023.

 

 

Ayon kay Medrano, target ng DA na pagsapit ng 2023 ay magkaroon ng 10.5 million finishers mula sa 115,800 farmer beneficiaries ng kanilang mga programa.

 

 

Hangad nilang matanggal sa quarantine ang 90 percent ng 2,100 ASF-affected barangays gamit ang kanilang sentinel approach, at mapalakas din ang production at protection ng mga ikinukonsiderang Green Zones.

 

 

Bukod dito, layon din aniya nilang umabot sa 15.6 million finishers ang masasakop ng insurance mula 2021 hanggang 2023.

Other News
  • Pinay figure skater wagi ng gintong medalya sa 2022 Asian Open Figure Skating Trophy

    Nagwagi ng gintong medalya ang Filipina figure skater Sofia Frank sa Asian Open Figure Skating Trophy.     Naganap ang nasabing torneo sa Indonesia kung saan mayroong kabuuang points ito na 143.97.     Nakakuha ito ng 50.19 points sa Short Program at 93.78 naman sa Free Skating.     Nasa pang-pitong puwesto naman ang […]

  • DOH pinag-aaralan kung irerekomenda na COVID-19 ‘self-test’ kits

    Pinag-aaralan na ng Department of Health (DOH) kung imumungkahi na nito sa publiko ang paggamit ng COVID-19 test kits para ma-test ang sarili.     Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, nakipagkita na ang DOH sa Food and Drug Administration (FDA) at mga dalubhasa ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) para rito.   […]

  • SSS, bukas na sa aplikasyon ng calamity loan

    BINUKSAN na ng Social Security System (SSS) ang pintuan upang tumang­gap ng aplikasyon ng calamity loan para sa mga miyembro nito na nakatira at nagtatrabaho sa Taiwan na naapektuhan ng nagdaang 7.2 magnitude na lindol sa nasabing bansa noong Abril 2024.       Ayon sa SSS, ang naturang loan ay bukas sa mga SSS […]