• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

9 patay sa COVID sa CAMANAVA

Siyam ang patay sa Caloocan-Malabon-Navotas-Valenzuela (CAMANAVA) area sa COVID-19 nitong Marso 11, habang umakyat sa 2,133 ang active cases at sumipa sa 1,243 death toll.

 

 

Sa Caloocan City, 488 na ang namamatay at 520 ang active cases, samantalang 15,216 ang confirmed cases at 14,208 na ang total recoveries.

 

 

Isa naman ang patay sa Barangay Baritan at isa rin sa Barangay Panghulo, Malabon City,74 ang nadagdag na confirmed cases, at sa kabuuan ay 7,560 na ang positive cases sa lungsod, 625 dito ang active cases.

 

 

Sa kabilang banda, 33 na pasyente ang nadagdag sa bilang ng mga gumaling. Sa kabuuan ay 6,663 na ang recovered patients ng siyudad at 272 na ang COVID casualties.

 

 

Binawian naman ng buhay ang isang COVID patient sa Navotas, habang umakyat sa 5,436 ang active cases.

 

 

Umabot na sa 6,539 ang total cases sa lungsod, kung san 5,789 na ang gumaling at 204 na ang namamatay.

 

 

Patay rin ang isang pasyenteng may COVID sa Valenzuela City habang lumobo sa 442 ang active cases matapos na 90 ang magpositibo at 67 lamang ang makarekober.

 

 

Ang confirmed cases sa Valenzuela ay umakyat na sa 10,644, kung saan 9,923 na ang gumaling at 279 na ang namamatay. (Richard Mesa)

Other News
  • Grupo ng mga magsasaka, ikinalungkot ang umano’y minadaling plano na pagbabawas sa taripa ng bigas

    IKINALUNGKOT ng Federation of Free Farmers ang mistulang pagmamadali ng gobyerno na bawasan ang taripa ng mga inaangkat na bigas.       Maaalalang unang nagtakda ang Tariff Commission ng online public hearing ngayong araw para dinggin ang petition ng Foundation of Economic Freedom (FEF) na ibaba ang taripa ng bigas mula sa dating 35% patungong […]

  • PBBM, ipinag-utos sa PNP na imbestigahan ang “fatal shooting” sa radio broadcaster

    NANGAKO si Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. na bibigyan ng katarungan  ang radio broadcaster na si Juan Jumalon o mas kilala sa pangalang DJ Johnny Walker, 57-anyos na namatay matapos pagbabarilin habang naka-on-board sa loob mismo ng kaniyang radio station sa Misamis Occidental.     Sa katunayan, inatasan na ni Pangulong Marcos ang  Philippine National Police […]

  • Cardinal Tagle, binigyan ni Pope Francis ng dagdag posisyon sa Vatican

    Itinalaga ni Pope Francis si Luis Antonio Cardinal Tagle bilang miyembro ng Congregation for the Oriental Churches.     Ayon Vatican, dahil sa bagong trabaho ni Tagle ay patuloy na ang kaniyang pakikipag-ugnayan sa Oriental Catholic Churches para tulungan ang mga ito sa proteksyon ng kanilang karapatan at pagmantine sa pagkakaroon ng isang Catholic Church. […]