• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Presidential Spokesperson Harry Roque positibo sa COVID-19

Kumpirmadong nahawaan ng kinatatakutang coronavirus disease (COVID-19) ang tagapagsalita ni Pangulong Rodrigo Duterte na si presidential Spokesperson Harry Roque, kanyang pagbagbalita, Lunes.

 

 

Aniya, kakukuha lang niya ng resulta ngayong umaga mismo — ilang oras bago samahan si Duterte mamaya.

 

 

“As of 11:29 this morning, nakuha ko po ang resulta, nagpositibo po ako para sa COVID,” sambit ni Roque sa isang press briefing kanina.

 

 

“Itong test ko kung saan tayo nagpositibo, ito po ay kahapon lamang, para nga po sana ngayon, para sa pagpupulong kay Presidente mamaya, at dito po lumabas na tayo po ay positibo.”

 

 

Asymptomatic o hindi naman daw nakararamdam ng sintomas ng COVID-19 si Roque, dahilan para maging “shocked” at surprised” siya sa resulta.

 

 

Bago ito, nag-negatibo naman daw sa COVID-19 testing si Roque noong ika-10 ng Marso bago niya samahan si Duterte sa Dumaguete noong Huwebes.

 

 

Samantala, iginigiit naman ni Roque na hindi niya naging close contact si Digong kung kaya’t wala naman daw dapat ikabahala sa kalusugan ng pangulo.

 

 

“Negative po tayo for the Dumaguete trip and I did not have any close contact with the President. Hindi po ako nakalapit sa kanya, just from afar,” sambit niya pa.

 

 

Plano na raw ni Roque magtungo sa isang isolation facility lalo na’t may comorbodity ang kanyang misis.

 

 

Nagpapa-test na rin daw ang kanyang asawa lalo na’t kasama silang matulog. “If she turns out also positive, mag-a-isolate na po siguro kaming magkasama. Pero if she turns out negative today, I intend to go to an isolation facility also because we have to walk the talk,” saad pa niya.

 

 

Sa huling taya ng Department of Health (DOH) nitong Linggo, umabot na sa 621,498 ang tinatamaad ng COVID-19 sa Pilipinas. 12,829 sa bilang na ‘yan ang patay na. (Daris Jose)

Other News
  • Walang magbabago sa mga proseso kahit may appointed na Vaccine Czar: DOH

    DINEPENSAHAN ng Department of Health (DOH) ang pagkakatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Sec. Carlito Galvez bilang vaccine czar.   Ayon kay Health Usec. Maria Rosario Vergeire, wala namang magbabago sa prosesong ginagawa ngayon ng mga nakatalagang opisyal na nangangasiwa sa development at pag-aangkat ng COVID-19 vaccine, dahil in-appoint ng presidente si Galvez.   “Wala […]

  • Pope sa pagpanaw ni P-Noy: ‘I commend his soul into the hands of God…’

    Maging si Pope Francis ay nalungkot sa pagpanaw ni dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III.     Sa kalatas na ipinadala sa Malacañang, nakikidalamhati ang Santo Papa sa pagpanaw ng dating pangulo ng bansa.     Tiniyak ng 84-year-old pontiff ang pagdarasal para sa namayapang dating pangulo ng bansa.     “Recalling the late president’s […]

  • Sayaw ng sayaw habang in character sila: FAITH, kinaaliwan ang bagong Tiktok video kasama si BARBIE

    VIRAL at kinaaaliwan ng mga netizens ang bagong Tiktok video ni Faith Da Silva kung san kasama niya si Barbie Forteza.   Dance kung dance ang dalawa sa tugtuging ‘Beauty And A Beat’   Ang dalawang Sparkle actresses na co-stars rin sa ‘Maging Sino Ka Man.’   Ang bongga pa, hindi bilang sina Faith at […]