NA-LOCKDOWN NA BARANGAY SA MAYNILA, LUMOBO PA
- Published on March 16, 2021
- by @peoplesbalita
LUMOBO pa ang bilang ng mga barangay na kailangan i-lockdown ng pamahalaang lungsod ng Maynila dahil sa pagtaas ng kaso ng COVID-19.
Kabilang sa isasailalim sa apat na araw na “lockdown” ang anim pang barangay sa lungsod makaraang makapagtala ng sampu o higit pang kaso ng sakit.
Sa nilagdaang Executive Order no. 07 ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na nagsasaad ng “An order declaring certain barangays, or portion thereof, of the city as critical zone (CrZ) per zoning containment strategy in order to provide rapid response operation to contain the resurgence and spread of COVID-19”, isasailalim sa lockdown ang Brgy. 185, zone 16 sa Tondo na may 11 aktibong kaso; Brgy. 374, zone 38 sa Sta. Cruz na may 10 aktibong kaso; Brgy. 521, zone 52 sa Sampaloc na may 12 aktibong kaso; Brgy. 628, zone 63 sa Sta. Mesa na may 10 aktibong kaso; Brgy. 675, zone 73 sa Paco na may 22 aktibong kaso; at Brgy. 847, zone 92 sa Pandacan na may 10 aktibong kaso.
Batay sa EO, ipatutupad ang lockdown sa mga nasabing barangay simula alas-12:01 ng hatinggabi sa Miyerkules (Marso 17) hanggang alas-11:59 ng gabi sa Sabado (Marso 20).
“For purposes of disease surveillance, massive contact tracing and verification or testing and rapid risk assessment as the City’s response measures to the imminent danger posed by the resurgence of Covid-19 and its variants,” saad sa EO.
Una nang sinabi ng alkalde na posibleng ilockdown ang buong Maynila kung kinakailagan upang makontrol ang posibleng pagtaas ng kaso ng sakit sa lungsod.
Tiniyak naman ni Domagoso na sapat ang suplay ng pagkain para sa mga residente habang sila ay nakalockdown dahil hindi sila papayagang makalabas ng kanilang bahay.
Nauna nang nilockdown ang dalawang barangay at dalawang hotel nitong nakaraang linggo makaraang makapagtala ang mga ito ng madaming aktibong kaso ng COVID-19. (GENE ADSUARA)
-
Balik-serye na sa 1st quarter ng 2023: JENNYLYN, nag-post uli ng photo ni Baby DYLAN na pinusuan ng mga netizens
SA 2023 na ang pagbabalik ni Jennylyn Mercado sa paggawa ng teleserye. Nabanggit niya ito sa isang interview na sa first quarter of 2023 siya muling magiging aktibo sa pag-arte sa TV. Kung matatatandaan ay natengga ang teleserye nila ni Xian Lim na Love. Die. Repeat dahil biglang nabuntis si Jen. Sey naman ni Jen […]
-
Sa kabila ng nangyaring hiwalayan: SUNSHINE, nagpakatotoo sa pagsasabing mahal pa rin niya ang asawa
NAGPAKATOTOO lamang si Sunshine Dizon sa pagsasabing mahal pa rin niya ang mister niyang si Timothy Tan sa kabila ng nangyaring hiwalayan nila. Sa episode ng “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Lunes, sinagot ni Sunshine ang mga tanong tungkol sa hiwalayan nila ni Timothy, at kung mahal pa niya ito. “To be […]
-
Dating pangulong Duterte, pinaalalahan sa pangako nito na dadalo sa Quad Comm hearing pagkatapos ng Undas
NANANAWAGAN ang isang lider ng grupong “Young Guns” sa Kamara kay dating pangulong Rodrigo Duterte na tuparin ang naging commitment nito na dumalo sa gagawing pagdinig ng Quad Comm tulad nang inawa nitong pagharap sa Senate Blue Ribbon Committee. “Elected leaders should have the courage to practice the virtue of having a word […]