• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Marcial tuloy na ang ensayo sa Amerika

NASA Estados Unidos ng Amerika na si new- turned professional at 32 Summer Olympic Games 2021 Tokyo, Japan-bound boxer Eumir Felix Marcial upang doon na ituloy ang training sa ilalim ni Frederick Steven (Freddie) Roach.

 

Ipinahayag ng 24-year-old at Zamboanga City native bago umalis ng bansa ilang araw pa lang ang nakararaan, na paghandaan niyang mabuti ang quadrennial sportsfest at ang debut bilang professional boxer sa papasok na buwan o sa Disyembre.

 

Malaki rin ang pasasalamat ni Marcial sa Philippine Sports Commission (PSC) sa pamumuno ni chairman William ‘Butch’ Ramirez sa pagtulong na makapunta siya sa USa para doon paghandaan ang Olympics at pro career fights.

 

Makakasama ni American Hall of Fame trainer Roach sa paghubog sa Pinoy boxer sina assistant coach Marvin Somodio at strength and conditioning coach Justin Fortune.

 

“He will start preparing for many, many things,” ani MP Promotions president Sean Gibbons Sean Gibbons. “Preparing for his 2021 Olympics, preparing for a possible debut later this year.” (REC)

Other News
  • Putin, ipinag-utos na ilagay sa high alert ang nuclear forces ng Russia

    IPINAG-UTOS ni Russian President Vladimir Putin na ilagay sa high alert ang deterence forces ng Russia na kinabibilangan ng mga nuclear arms.     Sa kanilang isinagawang pagpupulong ay inatasan ni Putin sina Defense Minister Sergei Shoigu at chief of General Staff of the Russian Armed Forces Valery Gerasimov na ilagay sa combat alert ang […]

  • “Bagong Bahay, Bagong Buhay!” Valenzuela LGU nag turnover ng housing units sa Laon beneficiaries

    NAGSAGAWA ang Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, sa pakikipagtulungan ng Social Housing and Finance Corporation (SFHC) ng blessing at turnover ceremonies ng mga housing unit sa ilalim ng Laon CMP Vertical Housing Project – Phase I para sa mga benepisyaryo ng Laon sa Barangay Veinte Reales.     Pinangunahan nina Mayor Wes Gatchalian, Department of Social […]

  • HOLDAPER, PATAY SA AWTORIDAD

    PATAY ang isang lalaki na suspek sa isang panghoholdap matapos na nanlaban sa awtoridad sa Malate, Maynila Lunes ng gabi.     Naisugod pa sa Ospital ng Maynila ang suspek na Inilarawan ang nakasuot ng muscle shirt at may dalang bag pack at chest bag.     Sa ulat ni Pat Errhol G. Aguila ng […]