• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Fernandez humirit sa DBM

NAKIUSAP ang Philippine Sports Commission (PSC) sa Department of Budget and Management (DBM) para makuha sa lalong madaling panahon ang P397M pondo na gugugulin sa trainings at competitions ng mga atleta para sa ngayong taon.

 

 

Ipinahayag Biyernes ni PSC Commissioner Ramond Fernandez, na sumasakop ang halaga para sa 31st Southeast Asian Games 2021 sa Hanoi, Vietnam sa Nobyembre 21-Disyembre 2 na P200M,  32nd Summer Olympic Games 2020 sa Tokyo, Japan sa Hulyo 23-Agosto 8 na P150M;

 

 

11th ASEAN Para Games 2021 sa Hanoi, Vietnam din sa Disyembre 17-23 na may P30M at 16th Paralympic Summer Games sa Tokyo, Japan din sa Agosto 24-Setyembre 5 na mayroon namang pondong P17M.

 

 

Ginawa ng opisyal na siya ring Team Philippines chef-de-mission sa Vietnam SEA Games ang pahayag kasunod sa training bubble na rin ng SEAG-bound athletes sa Inspire Sports Academy sa Calamba, Laguna, Laguna simula sa April 15.

 

 

Unang nagkaroon na ang PSC Olympic training bubble sa nabangit na lugar sa ikalawang lingo nitong Enero. (REC)

Other News
  • Ayaw talagang paawat ang sikat na Pinoy Boyband: Bagong kanta ng SB19 na ‘Moonlight’, nag-number one sa siyam na bansa

    AYAW paawat ang SB19!       Number one na sa music charts ng siyam na bansa ang bago nilang kantang “Moonlight.”       Kaka-launch lamang ng “Moonlight” nitong May 3 pero may 1.1 million views na sa Youtube ang music video ng naturang kanta ng SB19.       Ang “Moonlight” ay collaboration […]

  • COVID-19 positivity rate sa NCR lalo pang tumaas

    LALO pang tumaas ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) nang maitala ito sa 10.9% nitong Hulyo 9 mula sa 8.3% nitong Hulyo 2 lamang, ayon sa OCTA Research Group.     Ang positivity rate ay porsyento ng tao na nagpositibo sa virus mula sa kabuuang bilang ng sumalang sa COVID-19 test.   […]

  • Gobyerno dapat maghanap ng bagong ‘funders’ kasunod ng pag-atras ng China sa big-ticket railway project – Salceda

    MARAMI pang mga ospyon ang gobyerno para mapondohan ang big-ticket railway projects. Ito’y matapos umatras ang China na pondohan ang nasabing proyekto.     Ayon kay House Ways and Means Chair at Albay 2nd District Representative Joey Salceda na hindi na kailangan pa na i- persuade ang China para tulungan tayo uli bagkus maghahanap na […]