Perez, Tautuaa puntirya Tokyo Olympic Games
- Published on March 16, 2021
- by @peoplesbalita
PANANATILIHIN ng Philippine Basketball Association sina San Miguel Beer stars Christian Jaymar ‘CJ’ Perez at Moala ‘Mo’ Tautuaa at pro league aspirants sina Joshua Munzon at Alvin Pasaol bilang Gilas Pilipinas 3×3 national men’s team members.
Ito ay kahit na maging mga top virtual 36th PBA Draft 2021 aspirants sina Munzon at Pasaol, nabatid ng People’s BALITA Biyernes kay Commissioner Wilfrido Marcial bilang ayuda ng PBA sa PH squad na kakakampanya sa International Basketball Federation (Fiba) 3×3 Olympic Qualifying Tournament sa Mayo 26-30 sa Graz, Austria.
“All out ang suporta natin sa mga sasali sa OQT. Sigurado na ‘yun, mag-a-allot tayo ng oras para makapag-ensayo ang 3×3 players,” giit ng opisyal ukol sa apat na basketbolista na sumungkit ng PH 30th Southeast Asian Games 2019 gold medal.
Top two 3×3 players ng bansa sina Munzon at Pasaol base sa FIBA database kung saan ang Fil-Am slasher ay world No. 105, habang ang dating University of the East Red Warrior scorer ay 148th sa men o open division.
Kahanay ang Pin oy dribblers sa OQT Pool C ng Slovenia, France, Qatar, at Dominican Republic. Kailangang mag-top two finish ito sa group stage para makausad sa playoffs.
Ang gold-silver-breoze medalists lang ang mga aabante sa 32nd Summer Olympic Games 2020 na ni-reset lang ng pandemya sa darating na Hulyo 23-Agosto 8 kung saan binyagan ang 3×3 event . (REC)
-
IATF, bukas sa mungkahing gawin ng 80 to 100% ang mga manggagawang nasa isang workplace
BUKAS ang Inter-Agency Task Force sa naging panukala ni Presidential Adviser Joey Concepcion na dagdagan na ang capacity sa mga work place. Ito’y kapag 80% porsiyento na ng isang establisimyento ang nabigyan na ng bakuna laban sa COVID-19. Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, wala pang natatalakay na ganitong usapin sa IATF pero […]
-
Libreng PhilHealth coverage sa solo parents pinuri ni Bong Go
PINURI ni Senator Christopher “Bong” Go ang pagpapatupad ng libreng PhilHealth coverage solo parnts at kanilang mga anak, alinsunod sa Republic Act No. 11861, o ang Expanded Solo Parents Welfare Act. Isa si Sen. Go sa mga may-akda at co-sponsor ng nasabing batas na awtomatikong isinama ang solo parents sa National Health Insurance […]
-
Sa sobrang intense ng eksena nila ni Maricel: LA, nahirapang bumitaw sa role kaya dinala sa ospital
NAHIRAPANG bumitaw si LA Santos sa sobrang intense ng ‘breakdown scene’ niya kasama si Diamond Star Maricel Soriano, na naging dahilan para dalhin siya sa ospital. Hinangaan nga si LA sa naturang eksena sa ipinalisip na teaser ng ‘In His Mother’s Eyes’ na produce ng 7K Entertainment. Gumaganap silang mag-ina sa pelikula, […]