• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Gumabao huwarang atleta

HINDI lang magagaling ang ating mga mga elite at national athlete, kasama siyempre ang mga volleybelle.

 

 

Matitinik sila sa playing court, pati rin pagdating sa pagtulong sa mga kapwang nangangailangan ng pagkalinga.

 

 

Isang taon na nitong Marso 15 nang mag-lockdown ang ‘Pinas.

 

 

Nagsulputan ang mga manlalaro para sa mga frontliner at sa maraming komunidad labis na naapektuhan ng Coronavirus Disease 2019 na ngayo’y pandemya pa rin.

 

 

Isa sa mga kumilos sa pagmamalasakit sa kapwa si Premier Volleyball League (PVL) star at beauty queen Michele Therese Gumabao ng Creamline.

 

 

Naglunsad ang 28-anyos na dalaga at naninirahan sa Quezon City, ng ‘Your P200 fundraising drive’.

 

 

Ang hakbang niya ay nagresulta para makapaghandog ng relief packs, toiletry bags, face masks, alcohol, face shield at iba pang kagamitan para sa mga barangay, Nagkaroon din siya feeding programs sa mga mahihirap na mamamayan.

 

 

Hindi nakahampas ng bola buong isang taon si Gumabao at mga kasamahang balibolista, pero hataw naman sa pagtulong.

 

 

Nakita ng Opensa Depensa ang kanyang sakrispisyo, oras at hirap makaayuida lang sa ating mga naghihikahos sa buhay.

 

 

Kaya saludo ang pitak na ito sa iyo Michele Therese. Nawa’y lumawak pa ang tribo mo!

 

 

At siyempre good luck na rin sa magiging kampanya mo at ng Cool Smashers sa PVL Open Conference sa darating na huling linggo ng Mayo. (REC)

Other News
  • DoH Sec. Duque at ex-PhilHealth chief Morales, iba pa, pinakakasuhan

    Inilabas na ng Senado ang kanilang committee report ukol sa isinagawang mga pagdinig ukol sa mga katiwalian sa PhilHealth.   Batay sa 57 pahinang ulat na inilabas ni Senate President Vicente “Tito” Sotto III, pinasasampahan nila ng criminal charges sina Health Sec. Francisco Duque III, dating PhilHealth President/CEO Ricardo Morales at iba pa.   Bunsod […]

  • DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 15) Story by Geraldine Monzon Art by Dhan Lorica

    “Bernard, saan ka kamo pupunta?” muling tanong ni Lola Corazon habang nag-iimpake ang lalaki.   “Kakasabi ko lang po lola, may importanteng bagay akong aasikasuhin sa isang isla.”   “May kinalaman sa trabaho?”   “Opo.”   “Sige, kung gano’n, mag-iingat kang mabuti. Hindi ko na kakayanin pa kung ikaw naman ang mawawala.”   “Mag-iingat ako […]

  • Higit 47-K PDLs nationwide na boboto sa May 9 polls, sasailalim sa antigen test – BJMP

    KINUMPIRMA ng pamunuan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) na nasa mahigit 47,785 persons deprived of liberty (PDLs) sa buong bansa ang nakatakdang bumoto sa May 9,2022 national and local elections.     Nilinaw naman ni BJMP spokesperson Jail Superintendent Xavier Solda, na ang mga PDL ay maaari lamang bumoto sa pagka-pangulo, vice […]