De Luna nagkampeon sa Florida sidepocket 9-ball
- Published on March 19, 2021
- by @peoplesbalita
MAY ilang ilang araw pa lang ang nakararaan nang mamayagpag sa Sunshine State Pro Am Tour 2021 Stop 2 si Jeffrey de Luna.
Sinundan niya agad ng isa pang korona ang kanyang ulunan sa paghahari naman sa The Sidepocket Open 9 Ball Championship #23 Mardi Grass sa Brewlands sa North Lakeland, Florida.
Walang talo sa isang araw na tumbukan na nilahukan ng 128 bilyarista ilang araw pa lang ang nakalilipas ang 37-anyos na Pinoy cue artist.
Kilala rin sa mga palayaw niyang ‘The Bull’ at ‘Jeff Bata’, ito ang ikalawang sunod niyang tagumpay sa Estados Unidos sa taong ito sa pagrenda sa 1-2-3 puwestong pagsakop ng mga Pinoy sa torneo.
Dianig niya sa pinale si Warren Kiamco na galing sa loser’s bracket. Tinalo na rin niya sa eliminations ang kapwa dating national player.
Pumangatlo si Zoren James Aranas. (REC)
-
Fingerprints nina Alice Guo, Guo Hua Ping pareho – NBI
“WALANG sikretong hindi nabubunyag!” Ito ang sinabi ni Sen. Risa Hontiveros matapos kumpirmahin ng National Bureau of Investigation (NBI) na magkatugma ang fingerprints nina Mayor Alice Guo at Guo Hua Ping. “Ibig sabihin, they are the fingerprints of one & the same person,” ani Hontiveros. Kumpirmado na aniya na […]
-
Gobyerno, pag-uusapan ang muling pagbubukas ng mga sinehan sa Kalakhang Maynila , travel protocols
PAG-UUSAPAN ng Inter-agency task force on COVID-19 ang panukalang muling pagbubukas ng mga sinehan sa Kalakhang Maynila at posibleng bagong protocols para sa mga byahero. Ang mga movie houses, arcades, at cinemas sa capital region ay nagsara simula pa noong Marso matapos na sumipa ang coronavirus cases. “Ang alam ko po, nasa agenda […]
-
DOTr target na i-upgrade ang MRT-3 matapos ang surprise inspection dito
MAY inilatag na rekomendasyon si Transportation Secretary Jaime Bautista hinggil sa pagpapahusay ng serbisyo ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) matapos ang surprise inspection sa rail line noong Lunes. Sa isang Facebook post, sinabi ng Department of Transportation (DOTr) na nagbalatkayo o nagpanggap si Bautista bilang isang ordinaryong mananakay na walang ” […]