• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

COVID-19 sa Metro Manila papalo sa 8.5 milyon sa Hunyo 30

Nagbabala ang OCTA Research Group na posibleng umabot ng hanggang 8.5 mil­yon ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Metro Manila hanggang sa Hunyo 30 kung magpapatuloy ang pagtaas ng mga naitatalang kaso ng sakit sa mga dara­ting na araw.

 

 

“If this trend conti­nues, by June 30, we will achieve herd immunity. We will have infected 8.5 million people in National Capital Region (NCR),” ayon kay OCTA fellow at mathe­matics Prof. Guido David.

 

 

“These are actual projections. By June 30, we will reach 8.5 million total cases (in NCR) if this trend, reproduction number continue… That’s herd immunity territory. It will be here before vaccination,” aniya pa.

 

 

Nitong Sabado nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 7,999 bagong kaso ng COVID-19, na nahigitan pa ang 7,103 kaso noong Biyernes.

 

 

Ito na ang pinakamataas na COVID-19 cases sa bansa simula nang mag-umpisa ang pandemya.

 

 

Ayon kay Guido, dahil sa taas ng mga numero ay mahirap itong pababain kaagad.

 

 

Mayroon aniya itong momentum sa ngayon upang lalo pang tumaas, at posibleng uma­bot pa ng hanggang 10,000 kada araw sa katapusan ng buwan.

 

 

“If the projections are in line with what’s happening with the trends right now, then we just have two weeks before the hospitals reach critical care limit,” babala pa niya.

 

 

Una nang sinabi ni Guido na dapat na isen­tro muna ang pagbabakuna sa Metro Manila dahil ang rehiyon naman ang itinuturing na sentro ng pandemya.

Other News
  • Mga debris ng rocket ng China posibleng mahulog sa ilang bahagi ng Pilipinas – Philippine Space Agency

    MAHIGPIT na binabantayan ngayon ng Philippine Space Agency ang debris mula sa rocket ng China na Long March 7A (CZ-7A) na maaaring mahulog ang mga debris nito malapit sa Cagayan at Ilocos Norte.     Ayon sa PhilSA na inilunsad ng China nila ang nasabing rocket mula sa Wenchang Space Launch Center sa Hainan Island […]

  • PhilHealth record, puno ng ‘super centenarians’ at ‘minor senior citizens?’

    Hindi napigilan ng ilang senador na mairita sa palpak na record at iba pang anomalya sa PhilHealth na lumitaw sa ikalawang araw ng pagdinig sa mataas na kapulungan ng Kongreso.   Lumutang din sa pagtatanong ni Sen. Francis Tolentino ang isyung may ilang benepisaryo na maituturing nang “super centenarian” dahil umaabot ang mga ito sa […]

  • Para maging Army reservist din: MATTEO, ini-engganyo si RURU na sumabak sa 45 days training

    INE-ENGGANYO pala ng actor-TV host na si Matteo Guidicelli ang Kapuso actor na si Ruru Madrid na sumabak sa training para maging army reservist ding kagaya nito.     Magkakasama sina Matteo at Ruru sa upcoming action series ng GMA-7 na “Black Rider” at nag-enjoy siyang katrabaho ang mister ni Sarah Geronimo.     “Opo, […]