• December 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

SHARON, walang pakialam na pinost ang teaser ni POPS para sa ‘Centerstage’ kahit katapat ng ‘YFSF’

MAPUPURI mo talagang magmahal ng friends niya si Megastar Sharon Cuneta. 

 

 

Like na lamang nitong nakaraang ilang araw, nag-post si Sharon sa Instagram niya na humihingi ng dasal para sa kanyang TF, na si Fanny Serrano na na-stroke at dasal din niya, “Please Lord…don’t take him away from me yet…Don’t leave me, my dearest TF…I love you so, so much.” 

 

 

Maraming sumagot sa kanyang request at ngayon ay nagkamalay na at nagpapagaling na si TF na naging make-up artist ni Sharon nang nagsisimula pa lamang siya sa showbiz.

 

 

At nang mag-start silang mag-shoot ng actress na si Rosanna Roces ng bagong movie nilang Revirginized ng Viva Films, nakilala raw niya ang actress na napakadaling mahalin dahil totoong tao, walang pretensions at napakalaki ng puso.

 

 

“It is MY honor to have a friend like you in my life. Wala akong pakialam sa imperfections mo kasi lahat naman ng tao walang perfect. Ang kaibahan mo, open ka, yung iba nagpapanggap na perfect at disente pero baligtad pala. I love you lablab ko!”

 

 

At wala ring pakialam si Sharon kung mag-post man siya ng teaser ng kaibigang si Pops Fernandez, para sa Centerstage ng GMA Network na napapanood every Sunday, 7:40 PM, na mga judges sina Aicelle Santos, ang dati niyang musical director sa Sharon noon na si Mel Villena at si Pops nga.

 

 

Okey lang naman ‘yun kahit katapat ang Your Face Sounds Familiar na isa rin siya sa mga judges, ng ABS-CBN. Nagpasalamat si Pops at miss na raw niya ang sis niya, sagot ni Sharon, “I love you, sis.  Miss you too.”

 

 

Umabot ito ng more than 15K views matapost i-post ni Sharon.

 

 

***

 

PALAGAY na ang loob nina Shaira Diaz at Ruru Madrid na magkasama sa mga projects nila sa GMA Network.

 

 

Una sana nilang pagtatambal ay sa action-drama series na Lolong, pero inihahanda pa ang lock-in taping nito, nag-guest muna sila sa The Lost Recipe nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda at saka sila nagtambal muna sa first episode ng Season 2 ng drama anthology na I Can See You: On My Way To You.

 

 

Simula na ngayong Monday, March 22, ang romantic-drama weekly series, hindi kaya magselos ang kani-kanilang loves?

 

 

No problem daw naman  dahil open ang relasyon nina Shaira at EA Guzman at sina Ruru at Bianca Umali.

 

 

Natawa si Shaira, dahil ang tagal na raw nila ni EA, wala na raw silang selosan. Saka ngayon daw ay naiintindihan na ng audience ang pinapanood nila, na acting lamang ang ginagawa nila.

 

 

Sa ngayon ay busy ang apat na Kapuso actors, dahil kung magkatambal man sina Shaira at Ruru, may project ding ginagawa si Bianca, ang Legal Wives na isa siya sa asawa ni Dennis Trillo sa serye.

 

 

Si EA naman ay isa sa katambal ni Julie Anne San Jose sa Heartful Cafe na malapit na ring mapanood sa GTV channel ng GMA simula sa April 5.

 

 

Gaganap na isang run-away bride si Shaira, tatakbuhan din ba niya si Ruru?     Mapapanood na simula ngayong gabi, March 22, ang ICSY: On My Way To You, after ng First Yaya sa GMA-7. (NORA V. CALDERON)

Other News
  • DepEd, target ang 100% na pagpapatuloy ng in-person classes sa susunod na school year

    HANDA na ang bansa para sa “full and nationwide implementation” ng face-to-face classes sa susunod na taon.     Iyon nga lamang ang modalities ay depende sa lokasyon ng eskuwelahan.     Sa Laging Handa Public briefing, sinabi ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones, may 73.28 porsiyento ng kabuuang bilang ng pampublikong eskuwelahan […]

  • Paigtingin ang pagsisikap sa paglaban kontra kahirapan, ipromote ang kapayapaan, nat’l security

    HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga ahensiya ng pamahalaan na tulungan siyang maihatid ang kanyang pangako sa mga mamamayang Filipino na iangat ang “kondisyon ng ekonomiya, isulong ang kapayapaan  at palakasin ang  national security.”     Sa kanyang mensahe sa isinagawang oath-taking ceremony  ng mga opisyal ng National Amnesty Commission (NAM), National […]

  • DAYUHAN NA HINDI MAKAPASOK NG BANSA MAAARING HUMINGI NG EXEMPTION SA NTF

    KLINARO ng Bureau of Immigration (BI) na ang isang dayuhan na hindi makapasok sa bansa dahil sa umiiral na travel restrictions ay maaring humingi ng exemption  mula sa National Covid Task Force Against Covid-19 (NTF) kung  emergency o humanitarian reasons.       Sa pahayag ni BI Commissioner Jaime Morente, klinaro nito na ang entry […]