• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hidilyn Diaz tanggap na walang manonood na kaibigan at kaanak sa Tokyo Olympics

Handang sumabak sa Tokyo Olympics si Filipina weight lifter Hidilyn Diaz kahit na walang manonood na mga kaibigan at kaanak.

 

 

Kasunod ito ng naging desisyon ng Olympic organizers na bawal muna manood ang personal ang mga nasa ibang bansa dahil sa banta pa rin ng COVID-19.

 

 

Sinabi ni Diaz na nalungkot siya sa desisyon ng organizers pero naiintindihan niya ito.

 

 

Marami aniya itong mga kaibigan na nais manood ng makasaysayang kabanata sa kaniyang buhay.

 

 

Target ngayon ni Diaz na ma-improve niya ang kaniyang performance noong Rio Olympics kung saan nakakuha ito ng silver medal.

 

 

Maisasapormal naman na nito ang pagsali sa Tokyo Olympics sa nakatakdang pagsabak nito sa Asian Weightlifting Championsip sa Tashkent, Uzbekistan sa darating na Abril 16 hangang 25.

Other News
  • Cleveland employees aayudahan, Love ‘magpapasweldo’

    MAMUMUDMOD ng $100,000 o mahigit P5-M si Cleveland Cavaliers star Kevin Love bilang ayuda sa mga empleyado ng kanilang playing arena na naapektuhan ng suspension ng laro ng NBA dahil sa coronavirus disease.   Ayon kay Love, hindi lamang siya nababahala sa basketball at sa halip ay sa mga tao na nasa likod tuwing sila […]

  • Panukalang SIM registration at poll postponement, nilagdaan ng kongreso; ipinadala sa Palasyo para sa lagda ng Pangulo

    NILAGDAAN  na nina Speaker Martin Romualdez at Senate President Juan Miguel Zubiri ngayong Martes sa isang simpleng seremonya sa Manila Golf Club, Makati, ang panukalang batas para sa SIM Registration Act at Barangay and SK (Sangguniang Kabataan) Elections Postponement Act.     “Today (Tuesday), I am honored to join Senate President Migz Zubiri in signing […]

  • Mga priority sectors na popondohan sa 2024 national budget, isinapubliko na ng DBM

    HINDI aalisin sa prayoridad ng gobyerno para  sa 2024 national budget ang nasa larangan ng imprastraktura, agrikultura, kalusugan at edukasyon.     Ito’y bunsod na rin na naka-pokus ang administrasyong Marcos sa 8 point Socio-Economic agenda at  Philippine Development Plan 2023-2028.     Tinuran ni Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman na ipagpapatuloy  […]